Chapter Twelve

3K 70 6
                                    


L-Leon..

Hinatak ako ng mga ito.

Saan nila ko balak dalhin?

Nakarating kami sa dalawang palapag ng dating classrooms na hindi na masiyadong pinupuntahan ng mga estudyante dahil abandonado na. Nasa likod ito ng gymnasium.

Tinulak nila ko paupo at agad na tinanggal ang panyo sa bibig ko.

Tatlo silang babae at pare-parehong hindi nakaayos ang pagkakasuot sa uniporme.

"S-sino kayo?" kinakabahang tanong ko at umatras hanggang sa maramdaman ko na ang pader.

Napatingin ako sa paligid. Madaming upuan at table na halata mong matagal na dahil may mga sira na ito at puro na rin sapot. May mga chalk rin at mga pambura na nakakalat.

"Ano mo si Leon, ha?" mataray na sabi ng isa. Sakto lang ang tangkad nito at morena. "Bakit kayo magkasamang pumasok? Nilalandi mo siya 'no!?"

Umiling-iling ako. "H-hindi!"

"Talaga ba? so bakit mo siya hinalikan? Wala lang?" sabat nung isa na may katabaan. Malaki siyang tao.

Siya palang parang bugbog sarado na ko eh!

Sino ba 'tong mga 'to?

Napalunok ako. Hindi kaya? My gosh. Katapusan ko na ata.

"H-Hindi.. H-hindi ako ang naunang h-humalik!"

Sabay-sabay na napataas ang kilay nila.

"So anong ibig mong sabihin?! Si Leon ang humalik sa 'yo?! Ang kapal naman ng mukha mo!" galit na sigaw nung isa pa at mabilis akong sinampal.

Tumunog ang sampal nito sa loob ng abandonadong classroom.

Napatagilid ang mukha ko.

Umawang ang bibig ko sa pagkabigla. Napahawak ako sa pisngeng sinampal niya.

Napaamang ako sa kaniya nang muli kong ibalik ang tingin. "B-bakit?"

Napangisi ito. "Masakit ba? Ganyan ang sinasapit ng mga malalanding babae rito sa school!"

"Masiyado ka kasing assuming!" sabi nung mataba.

"True. Hibang ang gaga. Sa tingin mo ba hahalikan ni Leon ang isang tulad mo?! In your dreams!" Ngisi nung morena.

Pero nagawa na niya nga.

"Malandi ka lang, nilalandi mo si Leon! Ngayon pati na rin sila Hanz! Bwisit ka!" sabi nung sumampal sa akin. Hinatak niya ang nakatali kong buhok.

"Feeling mo ikinaganda mo 'to? Ang pangit mo!" Lumapit sila sa akin.

Sinubukan ko silang pigilan pero walang nangyare. "T-tumigil na kayo... M-masakit." Sinira nila ang nakatali kong buhok.

Sabay-sabay silang ngumisi ng tignan ako. "'Yan bagay na sa 'yo," sabi nung morena.

Natigilan sila nang tumunog ang bell, maging ako. Hindi ko inaasahan na ayos na 'yon.

"Tara na, guys," yaya nung mataba.

Tumango ang mga kasama niya.

"Umpisa pa lang 'yan. Wala pa tayo sa exciting part. Babalikan ka namin." Baling sa akin nung nanampal.

Natulala na lang ako at hindi na nakasagot.

Sinipa muna nila ko bago naglakad papuntang pintuan. "Nga pala, sira 'tong doorknob ng pintuan sana makalabas ka pa."

"Pero mas mabuting hindi kana makalabas." Sabay-sabay silang natawa bago tuluyang lumabas at isarado ang pinto.

Nanlaki ang mata ko at pinilit kong tumayo.

He Stole My First Kiss | Completed √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon