Chapter Thirty-one

2.4K 41 9
                                    

Napamulat ako nang makarinig ako ng parang bumagsak na bagay kaya agad akong napa-upo, gano'n na rin ang mga katabi ko.

Pupungas-pungas akong napatingin sa lalaking masama ang tingin sa akin.

Pawis na pawis pa ito gano'n rin ang dalawang lalaki sa likod niya.

"Kanina pa kita hinahanap! Hindi kita makita nung magsimula ang laban namin at hanggang sa matapos. Nandito ka lang pala!" asar na sabi nito.

Napatingin ako sa narinig kong bumagsak na bagay kanina. Bola pala iyon.

Siraulo ang lalaking ito. Binato niya siguro 'yon para magising kami.

Umunat ako bago humikab. Napatakip ako ng bibig. "Sorry naman. Nakalimutan naming pagkatapos ng nauna niyong laban ay minuto lang ang pahinga niyo at may laban na ulit kayo, hehe."

Kaya pala hindi siya sumunod sa akin kasi may laban pa nga pala agad silang kasunod.

Ang shunga ko 'no?

Bakit kasi hindi niya ko pinigilang sumama sa dalawa? Ang shunga-shunga niya rin, eh!

Umusog ako at sumandal sa kahoy na haligi ng kubo bago umayos ng upo. Ganoon rin ang ginawa ni Jane at Kate.

Padarag na umupo si Leon sa tapat ko. Umupo rin si Hanz at James.

"Panalo kayo?" tanong ko kay Leon. Inirapan niya lang ako.

"Yeah. Mahina naman kalaban," mayabang na sagot ni Hanz.

"Ang babagal gumalaw," sabi ni James.

Ngumite ako, "Buti naman."

"Kailan ulit laban niyo?" Tanong ni Kate.

Tinaasan siya ng kilay ni James. "Syempre bukas pa ulit. Uwian na kaya."

Napasimangot si Kate. "Alam ko naman na wala na kayong laban ngayon kasi uwian na! Tinanong ko lang kung kailan ang sunod!"

Natawa si James. "Gano'n ba? Sabi ko nga."

"Sipain kita dyan, eh!"

Muling napahalakhak si James. "Ano nahawa ka na kay Eka na mukhang sipa?"

Sinamaan ko ito ng tingin. "Huwag mo nga kong idamay dyan! Nanahimik ako rito."

"Totoo naman 'di ba?"

"Oh, talaga? 'Pag sinipa kita dyan!" asar na sabi ko rito. Kagigising ko lang huwag siyang ano.

"See?" Ngisi nito.

Sasagot pa sana ko nang mapatingin ako kay Kate na nakatingin sa aming dalawa ni James. Napaiwas ito ng tingin sa akin nang mapansin ang tingin ko.

Luh?

Inirapan ko na lang si James at hindi na pinansin.

"Babae," si Leon.

Napatingin ako sa kaniya at sa pawisan nitong damit. "Bakit hindi pa kayo nagpapalit?"

Umayos ito ng sandal sa haligi ng kubo at humalukipkip.

Sinamaan niya ko ng tingin. Napahinga ito ng malalim.

"I'm tired," pagod na sabi nito.

"Uwi na tayo?" aya ko sa kaniya or should I say sa kanila.

Tumango ang lahat.

"Umay naman. Hindi ko akalain na mapapagod ako ng ganito. May lakad pa naman ako mamaya." Napapakamot sa batok na sabi ni Hanz.

Tumayo na kaming lahat.

"Anong lakad?" Tanong ni James sa kaniya.

Ngumisi si Hanz. "May date ako."

He Stole My First Kiss | Completed √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon