Chapter Twenty-two

2.7K 94 25
                                    

Two weeks later

Kasalukuyan akong nakatambay sa mahabang upuan rito sa gymnasium habang pinapanood sila Leon.

Dalawang linggo ko ng ginagawa ang kondisyon ni Leon sa akin.

Puro nga lang abot ng tubig at towel ang ginagawa ko sa kaniya.

Matapos ang camp, lagi na kaming magkasama. Binabantayan niya na talaga ko. Sinusundo niya ko at inihahatid.

Kaya nga ginagawa ko rin ang best kong maging...

Alalay niya. Langya.

Ang tingin na nga ng mga magulang ko sa kaniya ay boyfriend ko siya, syempre tinanggi ko 'yon kahit na tuwang tuwa sila.

Sa wakas daw ay may boyfriend na ko. Like the f? dapat pagalitan pa nila ko kung sakali, dahil minor pa ko.

Hindi sila normal na pamilya.

Napailing ako.

Simula no'n, hindi na ulit ako napahamak. Pero lagi ko pa rin nakikita sila Cathy sa daan at 'yong mga masama nilang tingin sa akin na hindi na ata mawawala.

Lalo na sila Michelle. Ang samaan lang ng tingin ang nagagawa nila sa akin dahil 'di na nila ko malapitan.

Kung sakali mang mag-isa ko at susulpot sila para saktan ako ay nagkakataon na dumadating sila Leon kaya agad silang nagsisitakbuhan para silang mga siraulo.

Kung naisip ng mga magulang ko na kami na ni Leon? Lalo na ng mga estudyante dito sa Amazon High School.

Kalat na 'yong chismis na kami na, dahil lagi kami ditong magkasama. Kaya kahit saan ako magpunta, ako ang pinaguusapan ng mga babae. Hindi matatapos ang araw ko na hindi ko naririnig sa bibig nila na malandi ako habang sila Kate ay sinasabing 'wag ko na silang pansinin.

Inggit lang daw ang mga iyon.

Natatawa na lang ako.

Si Jane at kate, naging close ko na talaga sila ng todo-todo. Remember my notebooks na nabasa? 'Di ba dahil ro'n nawalan ako ng lectures? Na si Leon ang may gawa?

Mga be, kompleto na ulit ako sa lectures sa bago kong mga notebook. Tinotoo ni Jane at Kate na tutulungan nila kong sulatin ulit ang mga 'yon, apat na sub ang inulit kong lectures habang ang kanila ay tig-dalawang sub. Ginagawa nila 'yon sa kaniya-kaniya nilang bahay. Kukunin nila sa akin 'yong notebook ko, iuuwi nila tapos sila na ang magsusulat, kokopya lang sila sa notebooks nila, kompleto naman sila sa lectures, e. Nakakahiya nga pero pinilit talaga nila ko na gawin nila 'yon, ang kukulit. Kaunti pa lang naman daw kasi ang lectures namin sa bawat sub dahil second quarter palang kaya keri na daw nila 'yon.

At ako naman ay nanghihiram ako sa kanila ng notebooks para makakopya ng lectures sa apat na sub. Ang laki talaga ng pasasalamat ko sa kanila dahil sa kanila kaya mabilis kong muling nakompleto ang lectures!

Habang sama naman ng loob ang nararamdaman ko kay Leon tuwing naalala kong siya ang may gawa no'n, peste siya! Noong nakita niya nga kong naguulit ng lectures sa room. Sinabi niya sa akin na babayaran niya daw ako sa mga bagong gamit na binili ko gaya ng sabi niya nung sinermunan siya ni Ma'am Madrid no'n, aabutan na nga ako ng pera pero hindi ko tinanggap at sininghalan ko lang ang tukmol. Sabi ko lumayas na lang siya sa harap ko.

He Stole My First Kiss | Completed √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon