“~Di maamin ng damdamin
Na ngayo'y wala ka na sa aking piling
Araw araw ang dalangin
Ay mayakap kang muli at maangkin....”"May pinaghuhugutan, aba!" kantyaw ni Jane kay Hanz. Pare-pareho kaming nakaupo ni Jane, Kate at James sa monoblock at katapat ang isang banda. Nasa harana booth kaming lima.
Imbes na 'yong naghaharana 'yong kumanta, e, inagaw ni Hanz 'yong mic. At siya ang nasa gitna ng banda, kumakanta. Nawalan tuloy ng pwesto 'yong singer ng banda.
"Ang ganda ng boses ng bebe Hanz ko!"
"Nakakakilig!"
Tili ng mga babae na nasa pintuan ng Harana booth at nanonood sa pagkanta ni Hanz. Syempre dahil nga nandito si Hanz at James, nandyan na naman 'yong fans nila nakasubaybay.
"Sa susunod si fafa James naman ang kakanta, ha?" kinikilig na sabi ng bakla.
Ngumite sa kaniya si James kaya naghisterikal ang bakla at nagtitili, pati na rin ang mga babaeng kasama nito.
Irap naman ang natanggap nila kay Kate. Selos yarn?
"Bida-bida," bulong ni Jane. Nairita siya sa kapwa bakla niya.
“~Ngunit pa'no nga ba ang pag-ibig mo magbabalik
Batid ko na nasaktan kita ng labis
At sinabi ko sa'yo na kaya kong limutin ka
Bakit ngayon hinahanap kita...”Maganda ang boses ni Hanz, sakto lang at malamig.
"Pre, kalmahan mo lang. 'Wag kang umiyak," asar ni James kay Hanz bago tumayo. Lumapit ito kay Hanz at hinimas ang likod nito.
Natawa si Hanz pero pinagpatuloy pa rin ang pagkanta.
Tawang-tawa na bumalik si James sa upuan niya.
"May sineryoso ka na ba na babae, Hanz?" tanong ni Kate kay Hanz dahilan para tignan siya ni Hanz. Nginitian siya ni Hanz ng nakakaloko.
"Wala pa. Pero pwedeng ikaw," aniya.
Nanlaki ang mata ni Kate sa pagkabigla at napatingin kay James na nakatingin rin sa kaniya. Binalik niya ang tingin kay Hanz, "S-Sira!"
Binaba ni Hanz ang mic at lumapit kay Kate, "Ayaw mo? Mas guwapo naman ako kay James," mahangin na sabi nito habang nakataas ang dalawang kilay.
"Ina mo!" Nakatanggap siya ng batok mula kay James.
"Aray ko naman, dre!" angal niya pero agad niyang binalik ang tingin kay Kate, "Ano Kate? Hmm?" Hinihintay niya pa rin ang sagot ni Kate na hiyang-hiya na at halos hindi na rin matignan si James.
"Anong pumipigil sa 'yo, Kate?" seryosong tanong ni James nang hindi agad nakasagot si Kate kay Hanz. "You like handsome, right? Wala ka rin namang boyfriend. Bagay kayo ni Hanz," aniya.
Pareho kaming nabiglang apat sa sinabi ni James. Nagkatinginan kami ni Jane.
"Akala ko may something na sa kanila?" I mouthed.
Nagkibit-balikat ito na naguguluhan rin.
Binalik namin ang tingin kay Kate na kitang-kitang nasaktan sa sinabi ni James. Nakatitig siya kay James na nakatingin rin sa kaniya bago siya napayuko.
Napayakap ako sa sarili. Damn! 'Yong tensyon damang-dama ko!
Sinamaan ko ng tingin si Hanz na palipat-lipat ang tingin kay James at Kate. Alanganin siyang ngumite. "Kayo namang dalawa, nagbibiro lang ako," aniya.
Hindi siya pinansin ng dalawa. "Siraulo ka kasi!" mahinang asar na sabi ni Jane kay Hanz na napakamot na lang ng ulo.
"Huwag niyo ng pansinin si Hanz mamili na lang ulit kayo ng kanta. Pakantahin na lang natin 'yong naghaharana—" napahinto ako sa pagsasalita nang biglang mag-angat ng ulo si Kate at magsalita.
BINABASA MO ANG
He Stole My First Kiss | Completed √
Teen FictionEkaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyante sa school nila, si Leon pa ang makakaaway niya, si Leon na isa sa miyembro ng Amazon High's basket...