Naloka na!
"A-And so?" mataray na sabi ko sa kaniya.
Napailing ito saka muli akong tinignan. "Tignan natin 'yang katarayan mo." Nilibot niya ang paningin sa paligid.
"Alam niyo ba kung anong ginawa sakin ng babaeng 'to kanina?" Tinuro niya ko habang nakatingin sa mga estudyante.
Hindi lang ang mga kaklase namin ang nakamasid samin kundi pati na rin ang kabilang section na nasa labas lang, nanonood mula sa bintana at sa pintuan.
Nagsusumbong si Leon sa kanila? Seriously?
"What is it, Leon?" Tanong ng isa na walang iba kundi si... Michelle.
Tsk! Gulo 'to.
Ngumisi sa kaniya 'tong lalaking walang modo.
Sumpain ka Leon, peste.
"Wait, Ikaw 'yung babae kanina, 'di ba?" Tingin sakin ni Joan.
"Sheesh.. Sabi na eh nung nakita kita kanina alam ko ng papansin ka," sabat ni Layla.
Nakaharang lang sa daan papansin na? 'Di ba pwedeng tanga lang dahil nakalimutan kong nakaharang pala ko?
Nagsimulang magbulungan ang lahat.
"Ang lakas naman ng loob niya."
"Attention seeker."
Edi wow! Never akong naging ganyan!
"Ano kayang ginawa niya kay Leon?" bulong pa ng isang babaeng malapit sa pinto.
"Anong ginawa sayo ng babaeng 'yan, Leon?" malanding tanong ni Michelle kay Leon. Saglit siyang nilingon ni Leon at agad ring binalik ang tingin sakin.
Akala ko ay sasagot siya pero hindi siya sumagot. Ano kayang iniisip nito?
Nagpamulsa ito bago nagkibit-balikat.
"Ask her," aniya at umatras binibigyan ata ng pagkakataon ang tatlong babae na 'to na makalapit sa'kin.
Sapakin ko 'to eh!
Lumapit sa harapan ko si Michelle at 'yung dalawang mga kasama niya ay sa likod ko pumuwesto. Inusog nila palayo 'yong mga upuan na malapit sa'min.
So mukhang ngayon ay mararanasan ko na ang pagiging maldita nila sa iba na dati ay nababalitaan ko lang at nakikita?
"Hoy papansin! Ang lakas ng loob mo. Anong ginawa mo kay Leon?" sabi ni Michelle sa'kin habang naka-cross arms at nakataas ang kilay na nakatingin sa'kin.
Saan sa ginawa ko sa Leon na 'to ang pagiging papansin?
Sinipa ko pa nga eh!
At isa pa wala pa silang alam sa totoong nangyari. Sabagay kahit alam nila ay kay Leon parin sila kampi.
"Sumagot ka!" si Joan.
Napakagat ako ng labi at masamang tinignan ang lalaking nakangisi sa likod ni Michelle.
Bwisit ka! Mamatay kana sana.
"Anong ginawa mo kay Leon, ha? Ulitin mo pa patay ka talaga sa'min! Kami ang makakalaban mo! Papansin!" banta ni Layla sa'kin at hinatak ang buhok ko.
Napaawang ang bibig ko habang nanlalaki ang matang napalingon sa kaniya.
Sakit non ha?
"Stop it. Ako ang bahala sa kaniya," saway ni Leon nabalik sa kaniya ang tingin ko.
BINABASA MO ANG
He Stole My First Kiss | Completed √
Teen FictionEkaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyante sa school nila, si Leon pa ang makakaaway niya, si Leon na isa sa miyembro ng Amazon High's basket...