Chapter Thirty-five

2.2K 37 10
                                    

"Eka!" rinig kong tawag ni Kate sa akin pero hindi ko ito pinansin.

Ilang beses na ba akong tumakbo tuwing nasasaktan ako dahil kay Leon?

Kahit ako nagsasawa na.

Ang lakas ng loob niyang sabihan ako ng malandi kahit siya ang nakikipaglandian sa iba.

Nakalabas na ko ng school pero patuloy lang ako sa pagtakbo. Wala na kong paki-alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Basta gusto kong makalayo ro'n. Gusto kong makalayo kay Leon.

Iyak na naman ako ng iyak. Kainis na buhay 'to. Kung ayaw mong bigyan ako ng lovelife, lord, sige lang. Huwag lang ganito.

Ayoko ng mag-mukhang kabayo kakatakbo. Parang pwede na kong isali sa karerahan ng mga kabayo dahil ilang beses na rin naman na akong nakapag-practice.

Napahinto lang ako sa pagtakbo ng may humablot sa braso ko.

"Eka! Ano na naman ang nangyari?" nag-aalalang sabi ni Kate habang hinihingal. Kasama niya na si Jane.

Umiling ako. "Iwan niyo na ako. Gusto kong mapag-isa."

"Eka naman! Mag-kwento ka naman na sa amin kahit ngayon lang!" si Jane.

Umiling ako. "Huwag ngayon. Hayaan niyo na ako."

"Eka naman!" pagpupumilit ni Kate.

"Sabing ayoko nga muna ng kausap ngayon!" Hindi ko napigilan ang mapasigaw kaya pareho silang nagulat.

Hindi sila makapaniwala. Bumalatay ang sakit sa mga mata nila.

Natigilan din ako sa ginawa ko. "S-sorry hindi ko sinasadya..."

"Edi don't! Nakakasawa ka na, Eka!" asar na sigaw sa akin ni Jane nang makabawi. "Lahat naman ginawa namin para mapagkatiwalaan mo kami at tanggapin mo kami ng buo bilang kaibigan mo pero wala pa ring s-silbi!" nag-crack ang boses nito.

"Naiinis na ko sa 'yo! Nakakapagod ka na! Ang hirap mong intindihin," dagdag niya.

"J-Jane..."

"Bahala ka na sa buhay mo! Kung ayaw mo sa amin, edi don't. Ayaw na rin namin sa 'yo!"

Umiling-iling ako. "H-Hindi 'yon gano'n.."

"Gusto lang naman namin malaman ang mga nangyayari sa pagitan niyo ni Leon pero ayaw mo kaming pagbigyan... nakakainis ka," patuloy niya. "Alam naming nasasaktan ka dahil sa ugok na Leon na 'yon kaya gusto ka naming i-comfort pero paano nga namin magagawa iyon kung hindi ka nagku-kwento? Anong maaaring sasabihin namin sa 'yo para gumaan ang loob mo? Hindi kami manghuhula, Eka. Pero ginagawa mo kaming manghuhula sa kung ano ba ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ka na naman... Ayoko na," tuluyan na itong naluha gano'n rin si Kate. Hindi siya nagsasalita pero alam kong pareho sila ng nararamdaman ni Jane.

"I-I'm sorry..." mahinang sabi ko. Umiling si Jane at tumalikod na.

"J-Jane naman, eh..." pagsusumamo ko rito pero hindi niya na ko pinansin. Nagsimula na itong maglakad papalayo sa akin.

Napapunas ako ng pisnge kahit na sa tingin ko ay wala iyong silbe dahil patuloy pa rin namang lumuluha ang mga mata ko.

Bumaling ako kay Kate. "K-Kate..." Hinawakan ko ito sa braso pero agad niya iyong tinanggal at hindi man lang tumingin sa akin.

Sumunod ito kay Jane.

Mas lalong nadurog ang puso ko. Nanghina ang tuhod ko kaya napasalampak ako sa semento bago napahagulgol.

Hindi 'yon totoo... Tinanggap ko na sila bilang kaibigan ko! At isa pa umpisa palang gusto ko na rin silang maging kaibigan.

Ang kaso lang huli na para iparamdam ko sa kanila na kaibigan na ang turing ko sa kanila.

He Stole My First Kiss | Completed √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon