Kasalukuyan kaming nasa labas ng isang bar. Nilakad lang din namin 'to dahil malapit lang naman pala sa milktea-han na pinanggalingan namin, kaya rin pala ro'n tumambay 'yong dalawa.
Sumipsip ako sa milktea ko. Oo, be. Pagkatapos kong makuha 'tong milktea ko, inaya ko na sila. Tutal alam naman ni Kate kung nasaan ang bar, kaya ayon, nandito na kami.
Rinig na rinig ang ingay sa loob ng bar dito sa labas. May dalawang bouncer ang nasa tapat ng pintuan niyon.
Hinatak ko sila palayo sa bar.
"Bakit, be?" takang tanong ni Jane.
"Paano tayo papasok?" Tanong ko sa kanila.
Napanghinaan naman ng loob si Kate. "Iyon ang hindi ko rin alam. Bawal 18 pababa dyan," aniya.
"Ano ba kayo! Pwede 'yan, gagi. Basta 'pag nagtanong sabihin niyo, 18 na kayo," si Jane.
Napasimangot ako sa sinabi niya. "Naghahanap sila ng I.D sa pumapasok."
"Edi, sabihin niyo nakalimutan niyo lang at 'di niyo nadala."
Napabuntong-hininga si Kate. "Hindi pa rin tayo papapasukin dahil sa suot natin. Ang alam ko kailangan naka-dress sa loob."
"Edi, huwag na lang tayong pumasok, tapos!" tamad na sabi ni Jane.
Napaisip ako.
"Eh, bakit ba kasi natin sila pupuntahan? Anong karapatan nating pigilan sila sa ginagawa nila?"
Natahimik naman sila sa sinabi ko.
"Oo nga 'no," si Kate. "Tapos baka magmukha lang tayong tanga ro'n," aniya.
"Ano pa palang ginagawa natin dito? Umalis na tayo," si Jane.
Napapabuntong-hiningang nauna na kaming maglakad ni Kate. Nakasunod naman si Jane sa amin.
"Jane, Kate at Eka? Anong ginagawa niyo dito?" Natigilan kami sa paglalakad dahil sa nagsalita. Sabay-sabay kaming napalingon ro'n.
Nagtama ang mata namin ni Leon. Nakasuot ito ng black hoodie at jeans na maluwag. May suot itong cap.
Nanlaki ang mata ko. "L-Leon?"
"Anong ginagawa niyo dito?" Ulit nito sa tanong ni Hanz kanina.
Walang nakaimik sa amin.
"Anong ginagawa niyo rito?" Muling ulit ni James sa tanong.
"Ah... eh... Nag-milktea lang at naglakad-lakad," sagot ni Jane.
Napatingin sa paligid ang tatlong lalaki. "May milktea-han ba rito?" Kunot-noong tanong ni Hanz.
"O-Oo, obvious ba?" Pinakita ko sa kaniya 'yong hawak kong milktea. Inangat rin ni Jane at Kate 'yong kanila. Kailangan naming mag-ingat sa sinasabi namin. Baka mahuli kami ng mga 'to na kaya kami nandito dahil sa kanila.
Napatango naman ang tatlo.
"K-Kayo saan kayo nanggaling?" tanong ni Kate sa kanila.
"Sa bar," diretsong sagot ni Hanz. "Iyon lang, oh." Tinuro pa ng ugok ang bar.
"Hanz!" sabay na sita sa kaniya ni James at Leon.
"Bakit? Totoo naman, ha."
"Fuck you. Baka kung anong isipin nila sa amin kahit na sinama mo lang naman kami at ikaw lang naman ang nag-inom at nag-enjoy sa loob," si James.
"Totoo ba 'yan, James? Hindi kayo nag-inom sa loob?" mahinang tanong ni Kate kay James.
Napabuntong-hininga si James. "Yeah."
BINABASA MO ANG
He Stole My First Kiss | Completed √
Teen FictionEkaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyante sa school nila, si Leon pa ang makakaaway niya, si Leon na isa sa miyembro ng Amazon High's basket...