Chapter Fourteen

1.1K 27 18
                                    

"Meron akong announcement," ani ni Ma'am Madrid, our adviser. Nakatayo siya sa tapat ng table niya.

Lahat kami ay naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

"Mero'n tayong camp na magaganap after 2 days,"  aniya.

Natuwa ang mga kaklase ko. Halos mapatili naman si Jane.

"You mean sa huwebes po?" tanong ni John Paul.

Tumango si Ma'am. "Yes. Thursday, friday, and saturday. Uuwi kayo sa linggo ng maaga para makapasok ang lahat sa lunes."

Tumango ang kaklase ko.

"Required po bang lahat pumunta?" James asked.

Umiling si Ma'am. "Hindi naman. Pero may grade din ang pagsama sa camp. Kung hindi ka sasama, wala kang grade."

Tumango-tango na lang si James.

"Lahat po ba ng estudyante sa school may camp?" our president asked.

"Hindi. Lahat lang ng grade 10 students. Here." May inabot siyang bungkos ng papel kay pres. "Ipamigay mo," utos niya rito.

Sumunod naman si Pres at isa-isa kaming inabutan.

Sinipat ko ang papel. May bayad 'pag sumama ka pero kaya ko namang bayaran 'yon. Gubat 'yong pagka-kampingan. Madami ring activities na naka-line up. May nakasulat din na parents signature. Mukhang kailangang ipapirma sa magulang.

"Sama tayo!" sabi ni Kate.

Tumango kami ni Jane. "Sige," sabi ko.

"Mukhang masaya 'to! Nakaka-excite naman," nakangiting sabi ni Jane.

Napangiti rin ako. "Mukhang masaya nga."

"Kung sasama kayo, papirmahan niyo ang papel na 'yan sa magulang niyo saka niyo isauli sa akin. That's all for today. Hintayin niyo na lang ang next teacher niyo," sabi ni Ma'am at sinukbit na ang shoulder bag sa balikat at sumibat na.

Umingay naman ang paligid pagka-alis nito. Kaniya-kaniyang chismisan.

"Yes?" Taas kilay na tanong ko kay Leon nang pumunta ito sa likod ng upuan ko.

"Sasama ka?" He asked.

"You don't care." Inirapan ko 'to.

"Tss. Nagtatanong ako ng maayos, hindi ako nakikipagaway."

"Psh! Oo na! Sasama ko. Bakit ba?"

Tumango ito. "Kumusta 'yong pisnge mo?" Sinipat nito ang pisnge ko at bigla 'yong hinawakan. Nabigla naman ako at bigla kong natapik ang kamay niya.

"A-Ano ba! Don't touch me nga!"

Nagpamulsa ito. "Kumusta ang pisnge mo?" Ulit nito.

Napanguso naman ako at napahawak sa sariling pisnge.

"Medyo masakit pa rin."

"Dinadampian mo ba ng ice compress 'yan?"

Natigilan ako. "Dapat bang dampian ng gano'n?"

"Gaga! Malamang. Hindi mo alam?" singit ni Kate.

Umiling ako. "Hindi, e."

"Stupid. Kaya naman pala ang tagal gumaling." Salubong ang kilay na sabi ni Leon.

Napasimangot ako. "Sus. Gagaling din naman ng kusa 'to. Ang daming emerut."

Napailing ito sa akin. "Lagyan mo na ng ice compress 'yan. Pumunta kang clinic mamaya. Meron do'n."

"Kahit hindi na. Ang daming arte."

Pinitik nito ang noo ko kaya napadaing ako. "Sundin mo na lang ako."

He Stole My First Kiss | Completed √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon