Mugto ang matang tumayo ako sa kama. Kahit tamad na tamad akong pumasok ay pipilitin ko pa rin at kahit ayaw ko munang makita ang lalaking dahilan ng pagkapuyat ko at pamamaga ng mata ko ngayon ay papasok pa rin ako.
Ang unang araw ng intrams ay magsisimula ngayon. Kailangan kong pumasok dahil malamang ay hinihintay ako ng dalawa. Matagal na naming napag-usapan na dapat kumpleto kaming tatlo 'pag intrams na.
Ayokong magtampo sila sa akin kaya kahit ayaw ko ay papasok ako.
Nanghihinang naligo ako at pagkatapos ay agad na nagbihis.
Tumingin ako sa salamin. "Ang panget mo," kutya ko sa sarili. "Bakit mo naisip na magugustuhan ka ng lalaking iyon? Napaka-assuming mo naman," kausap ko sa repleksyon ko sa salamin.
"Hindi lahat ng tao ay nasusuklian ang nararamdaman ng isang tao sa kanila," mapait akong ngumite.
Sinuot ko na ang bag at bumaba. "Mahal kong pamilya, I'm leaving," paalam ko sa kanila na kasalukuyang kumakain ng almusal sa hapag.
Mabilis akong naglakad patungo sa pinto.
"Hoy, kapatid! Bakit mugto 'yang mga mata mo?"
"Anak, kumain ka muna! Okay ka lang ba?"
"Señorita, anong nangyayari sa 'yo, anak?"
Rinig kong habol na sigaw nila sa akin pagkalabas ko ng bahay na hindi ko na pinansin.
Napabuntong-hininga ko. Alam kong kabastusan ang ginawa kong iyon. Pasensya na sa kanila...
Nagsimula na kong maglakad pero napahinto ako nang biglang mag-ring ang phone ko.
Kinuha ko 'yon sa bulsa ng skirt ko at tinignan kong sino ang caller.
Sinagot ko ang tawag.
"Kate?"
"Eka..."
"Yes?" Pinilit kong maging masigla ang boses ko.
"Papasok ka pa rin ba?" nag-aalalang tanong nito.
"Oum... Bakit?"
Narinig ko ang buntong-hininga niya. "Huwag ka ng pumasok..." aniya.
"Bakit naman?"
"Psh! Alam kong ayaw mo munang makita si Leon ngayon dahil sa nakita mo kahapon, kahit hindi mo sabihin at itanggi mo pa, Eka. Alam kong nasaktan ka. Kaya huwag ka ng pumasok."
Umiling ako kahit hindi niya kita. "Baliw, hindi. Papasok pa rin ako."
"Eka naman?" asar na sabi ni Kate. "Nag-away rin kayo nung sabado 'di ba? Tapos nakita mo pa siyang may kasamang babae kahapon, kaya mo pa rin ba siyang harapin?"
Pilit akong ngumite. "Oo naman. Napag-usapan natin nakaraan na dapat kumpleto tayo pagdating ng Intrams 'di ba? Kaya papasok pa rin ako kahit anong mangyari."
"Eka, naiintindihan ka namin ni Jane, okay lang kahit hindi ka pumasok ngayon. Napag-usapan natin nakaraan na magsasaya tayo at mage-enjoy pagdating ng intrams pero dahil sa nangyayari sa 'yo ngayon, alam kong hindi ka mage-enjoy. Naiintindihan ka namin, Eka. Huwag ka ng pumasok," pagpupumilit nito.
"Papasok ako," pinal na sabi ko. "Iiwasan ko na lang ang lalaking iyon. Basta, bahala na! Papasok ako."
"Eka..."
Nakagat ko ang labi at in-end ang call.
Napatingin ako sa daan. Dapat ganitong oras ay nandito na si Leon, hinihintay ako na lagi niyang ginagawa at sabay kaming papasok.
Pero...
Walang Leon ang nandito ngayon. Siguro hindi niya ko susunduin ngayon dahil nag-away kami nung sabado o 'di kaya'y hindi niya na talaga ko susunduin kahit kailan dahil na-badtrip siya sa tanong ko sa kaniya nung sabado na hindi niya nasagot ng maayos. At minabuti niya na lang naituon ang sarili sa babaeng kasama niya sa Mall kahapon.
BINABASA MO ANG
He Stole My First Kiss | Completed √
Teen FictionEkaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyante sa school nila, si Leon pa ang makakaaway niya, si Leon na isa sa miyembro ng Amazon High's basket...