Nasa hallway ako ngayon, naglalakad pabalik na ng room.
Naisipan kong mag-online sa Facebook.
Inilabas ko ang phone ko sa bulsa ng skirt ko at in-open ito. Binuksan ko ang account ko sa Facebook.
"Hala? Ang mura lang ng libro," bulong ko nang pag-scroll ko sa newsfeed ay dumaan sakin ang isang page na nagbebenta ng books.
Shocks.
Nakagat ko ang labi.
Ang ganda ng book! Oh, my God! Maidadag ko siya sa collection ko at may babasahin na naman akong bago!
Ay wait.
Ini-stalk ko 'yung page kung legit ba at hindi scam. Mukhang safe naman.
Nag scroll ako sa wall nila hanggang sa makita ko ulit 'yung post na murang libro.
Tinignan ko kung hindi pa ba siya nabibili, tingin ko kasi isa lang ang libro na 'yon.
Oopss! Pwede ko pa siyang bilhin!
Yey!
Dinirect message ko 'yung page at pinakita sa kanila 'yong screenshot ko sa binebenta nilang libro at sinabing bibilhin ko iyon.
"Miss, ilag!"
Napahinto ako sa pagseselpon at napalingon sa taong tumawag sakin.
Kukunot palang sana ang noo ko nang makita ko ang bolang papalapit. Nanlaki ang mata ko at napamaang.
Omg!
Napapikit ako.
Ilang segundo lang ay naramdaman ko nang tumama na ang bola sa ulo ko.
Dahil sa lakas ng impact nito nawalan ako ng balanse kaya agad akong napaupo.
Napahimas ako sa ulo ko. "Ouch."
"You okay, Miss?" May lalaking mabilis na lumapit sakin at umupo sa harapan ko.
Inalalayan niya kong tumayo.
May mga lalaking papunta na rin rito kasamahan niya ata dahil pare-pareho silang nakasuot ng Jersey.
Ansakit non!
Nagsalubong ang kilay ko at napatingala sa kaniya.
Umawang na ang bibig ko para sumigaw na sana, pero agad akong natigilan nang makita kung sino ba ang hangal na nakatama sa'kin ng bola.
Napansin kong natigilan din siya nang makita ako.
Ow? He remembered me?
Nang makabawi ay kinuha niya ang bola sa lapag at muling tumingin sa'kin.
"Tss. Sabi ko kasi ilag," aniya.
Aba't ang kapal ng mukha nito.
Gusto kong huminahon dahil siya ang nakatama sa'kin pero wala kong maisip na dahilan para huminahon ako dahil siya 'yan.
At naisip ko na ano naman kung siya, 'di ba?
Porket ba siya na si Damian Leon Fernandez ang nakatama sa ulo ko ay bawal na ko magalit?
Syempre hindi!
"So kasalanan ko pa? Gymnasium ba 'to! At dito kayo naglalaro, ha?!" inis na sigaw ko sa kaniya.
Masakit kasi talaga, beh. Feeling ko nga nahihilo na ko, eh. Feeling ko lang.
Dagdagan mo pa na ang attitude niya kahit siya na nga ang nakapanakit.
"I didn't blame you. Hindi naman namin sinasadya, ah."
Agad ko siyang tinulak. Natagilan ito at napa-amang sa'kin.
BINABASA MO ANG
He Stole My First Kiss | Completed √
Teen FictionEkaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyante sa school nila, si Leon pa ang makakaaway niya, si Leon na isa sa miyembro ng Amazon High's basket...