Humihikab-hikab na naglalakad ako ngayon papunta sa library dito sa school.
Wala pa masyadong estudyante ngayon, mag aalas-singko palang kasi, maaga lang akong pumasok dahil naisipan ko lang bigla na tumambay sa library ng maaga para makapag-basa. Wala na kasi akong mabasa na libro sa bahay, lahat kasi nabasa ko na.
'Yong in-order ko na libro hindi pa dumadating baka bukas pa o sa sunod na araw.
Pagkarating ko sa tapat ng library ay tahimik ko 'tong binuksan.
Nagkatinginan kami ng babaeng Librarian. Tumango ito sa akin at ngumite.
"Good morning, Eka," aniya.
Kilala na ko ng Librarian dahil lagi naman akong napaparito. Mabait siya 'di tulad ng ibang librarian na masusungit.
Ngumite rin ako, "Good morning din po."
Muli siyang tumango. Nagpatuloy na ko sa pagpasok at naghanap ng babasahing libro. Ako palang ang estudyante dito sa Library kaya napakatahimik. Sabagay kahit naman may mga estudyante dito tahimik pa rin 'di nga lang ganito katahimik, iba parin kasi ang pagiging tahimik ng isang lugar 'pag walang tao.
Nang makapili na ko ng libro ay umupo na ko sa napili kong puwesto. Tinuon ko na ang sarili sa pagbabasa.
Romance ang napili kong libro kaya hindi ko maiwasang kiligin sa kalagitnaan ng pagbabasa ko.
"Ang hirap naman sagutan nito, pre. Pakopya nga."
"Ulol, pinaghirapan ko 'to tapos mangongopya ka lang?"
"Ingay."
Kunot-noong napatingin ako sa gawi kong kanan sa pinanggalingan ng bulungan.
Malapit lang sila sa akin. Tatlong lamesa lang ang agwat ng lamesa ko sa kanila.
Tumaas ang isang kilay ko nang makilala ko kung sino ang mga nilalang na nagbulungan.
"Umay naman kasi ni Sir Muller. Alam ng nagkaroon tayo ng meeting kahapon kasama sina Coach, binigyan pa tayo ng quiz. Anong alam natin dito?" angal ni Hanz.
"Ewan ko ba ro'n kay Sir. Nakitang wala tayo sa time niya kahapon kaya wala tayong alam sa mga tinuro niya, binigyan pa rin tayo ng quiz," sang-ayon ni James.
"Pangit ka-bonding ng ungas na matandang teacher na 'yon. Math sub pa naman," simangot ni Hanz.
"Tsk. Gawin niyo na lang pwede? Wala naman na kayong magagawa, ang ingay niyo lang. 'Di ako maka-focus dito," sabi ni Leon na nakatutok sa libro at kuwaderno, nagsasagot ata. Aba, mabait na bata.
Kanina ako lang dito, ha? Nalibang lang ako ng saglit 'di ko namalayang may mga animal na pala kong kasama sa library.
Umikot ang mata ko. Aga-aga nakakaramdam ako ng bad vibes.
Bat ba kasi nandito ang mga 'to?
Napailing na lang ako at muling tinuon ang sarili sa pagbabasa.
Inusog ko ang inuupuan kong upuan palapit sa mesa. Medyo malayo kasi ngayon ko lang napansin.
Nakagat ko ang labi nang lumikha ito ng ingay.
Sana 'di ko na lang pala inusog at hinayaan ko na lang na ganoon. Papansin 'tong upuan na 'to.
"Leon, Look who's here?" Napatingin ako sa nagsalita na ngayon ay nakatingin sa akin. Inakbayan nito ang katabi.
Kunot-noong inangat ni Leon ang ulo at tumingin kay Hanz. Nginuso ni Hanz ang direksyon ko.
Epal na Hanz 'to.
Tahimik naman sa kabilang tabi ni Hanz si James na nakatutok sa libro.
Napalunok ako ng magtama ang paningin namin ni Leon nang tumingin siya sa gawi ko. Kaagad akong umiwas.
BINABASA MO ANG
He Stole My First Kiss | Completed √
Teen FictionEkaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyante sa school nila, si Leon pa ang makakaaway niya, si Leon na isa sa miyembro ng Amazon High's basket...