Muli naming narinig ang boses ni Ma'am Madrid na pinapalabas ang lahat sa tent.
Tumalima naman kaming tatlo at lumabas pero syempre gamit na gamit ko na naman ang concealer ni mareng Jane para matapalan ko muna 'yong pisnge kong may pasa na. Ang tagal kasi ni James. Wala pa 'yong ointment at ice compress para magamot 'to.
Pagkalabas pa lang naming tatlo. Ang tatlong mga bwisit na sila Michelle agad ang nakapanalubong namin ng tingin.
Medyo malapit lang sila sa akin at masama ang tingin ng mga tukmol. Napalunok ako nang makita kong kasama nila 'yong mga babaeng nakita namin ni Jane at Kate sa cafeteria noon at 'yong mga nanakit sa akin sa abandoned classroom. Hinanap ko pa 'yong matataba na muntik na kaming habulin sa gym pero wala sila.
May mga estudyante naman sa pagitan namin kaya kahit kinakabahan kaming tatlo ay hindi na kami umalis.
"Madami sila, Eka. Tell me, sino-sino 'yong nanakit sa 'yo dyan sa abandoned classroom?" bulong ni Jane sakin.
"Iyong babaeng sakto lang ang tangkad na morena na nasa tabi ni Layla at 'yong mga katabi non," I answered.
"Sino 'yong Cathy dyan, Eka? Ang sabi ni Michelle siya daw 'yong sumampal sa 'yo sa abandoned classroom." Si Kate.
"Cathy? Turo mo sa amin," sabi ni Jane.
"Siya nga 'yong maliit na morena tapos 'yong dalawang katabi niya," tukoy ko sa katabi ni Cathy na dalawang babae. "Pinagtulungan nila ko sa abandoned classroom,"
"Tss. Bakit ba may mga ganyang kasama na tao?" si Jane.
"Kung hindi lang sila madami, kinalbo ko na ang mga 'yan!" nagngitngit ang ngiping sabi ni Kate.
"Huwag na natin sila pansinin," bulong ko sa kanila.
"Psh!"
"Hayst!"
Sabay na tugon nila sa sinabi ko. Tinuon ko na ang sarili kay Ma'am Madrid. Nagpapaliwanag ito ngayon sa larong gagawin namin.
Tug of war daw. Mukhang maganda 'yon ah.
Nawala ang tingin ko sa matandang guro nang mahagip ng mata ko si James at Hanz na papalapit sa amin. Hinanap ko agad si Leon sa likod nila pero hindi ko siya nakita ro'n.
"Where is he?" Tanong ko sa kanila nang makalapit sila sa amin.
Napakamot ng ulo si Hanz. "Ewan ko ba ro'n, ayaw sumama sa amin dito. Ayon siya." Ngumuso ito sa kung saan. Napatingin naman ako ro'n.
Nasa kalayuan si Leon kasama nito ang ibang basketball team.
Lumamlam ang tingin ko. "Bakit ayaw niyang pumunta rito?" tanong ko sa kanila.
"Malay namin," sagot ni James.
Napanguso na lang ako. He's mad. Ayaw ko lang naman lumala ang lahat.
"Nga pala, pinasok ko na muna 'yong ice compress at ointment sa tent niyo," sabi ni James.
"Thank you," tipid akong ngumite sa kaniya. Tinanguan ako nito. Muli akong napatingin kay Leon na seryosong nakikinig kay Ma'am Madrid.
"Hayaan mo na siya, Eka. Kailangan lang niyan magpalamig ng ulo," bulong sa akin ni Jane.
"Bakit nga pala hindi kayo sumama sa kanila?" Biglang tanong ni Kate sa katabi na nitong si James.
"Para bantayan si Eka rito, obviously," He answered.
Napanguso naman si Kate. "Sungit," bulong ng bruha.
****
Naglalaro na kami ng hatakan tali. Alam niyo ba 'yong larong tug of war? Kung hindi niyo alam i-search niyo na lang, charot.
BINABASA MO ANG
He Stole My First Kiss | Completed √
Teen FictionEkaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyante sa school nila, si Leon pa ang makakaaway niya, si Leon na isa sa miyembro ng Amazon High's basket...