Chapter Ten

3.5K 62 5
                                    


Araw ng sabado kaya walang pasok at nakatambay lang ako dito sa bahay. Ako at si Mama lang ang nandito. Si Papa at Ate kasi nasa trabaho.

Bagot na humiga ako sa sofa pagkatapos patayin ang telebisyon. Pangit ng palabas, barilan.

"Oh, bat mo pinatay, 'nak?" Napalingon ako kay Mama na nasa counter ng kusina, nagbe-bake.

Napakamot ako ng ulo. "Ay, nanonood ka ba, Ma?"

"Oo naman. Ang ganda-ganda bat mo pinatay?"

Napanguso ako. "Ang pangit nga puro barilan."

"Gusto mo kasi 'yong love story."

"Syempre naman! Nakakakilig kaya."

Napailing na lang ito. "Tulungan mo na nga lang ako rito."

Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Tutal boring, tutulungan ko na lang siya.

"Anong gagawin ko, Ma?"

"Magbasag ka ng itlog," aniya na ang tingin ay nasa ginagawa.

"Nasaan ba 'yong mga itlog?"

"Sa cabinet tignan mo." Tinuro niya 'yong cabinet.

Tumango ako at lumapit sa cabinet na nasa taas ng lababo. Binuksan ko iyon.

"Grabe, Ma. Halos wala na 'tong laman, ah. E, 'di ba kaka-grocery niyo lang no'ng nakaraang linggo?" takang tanong ko. Paano ba naman kasi lilima na lang ang laman sa isang tray ng itlog tapos lima na lang 'yong de lata at dalawang lucky me.

Kinuha ko na ang lahat ng itlog at bumalik sa counter.

"Hay naku. Alam mo namang kung gaano katakaw 'yong ate mo. Minu-minuto ata kumakain ang batang 'yon."

Napailing ako. "Grabe 'yong minion na 'yon, ang liit-liit PG."

Natawa si Mama. "Basagin mo na nga lang 'yong mga itlog."

Gaya ng sabi niya ay binasag ko na nga ang mga itlog at nilagay iyon sa isang mangkok.

"Mag-grocery ako, Ma, gusto niyo?"

Napatingin ito sa akin. "Sure ka ba, anak? Wala ka bang gagawin? Assignment?"

Umiling ako. "Wala, Ma."

Tumango ito. "Sige. Ililista ko na lang ang lahat ng ipapabili ko sa 'yo nang hindi mo makalimutan."

Pumitik ako. "Good idea!"

Napangiti ito. "Buti naman at sinaniban ng kasipagan ang anak ko."

Napanguso ako. "Masipag naman talaga ako, eh. Eme ka, Ma."

Natawa na lang ito.

***

Nakapantulog ako kanina dahil maaga pa kaya naligo at nagbihis lang ako ng oversized t-shirt at short na hanggang kalahati ng legs ko. Wala naman kasi akong pang-alis na mga damit. Mas inuuna ko pa kasi na bumili ng mga libro kesa sa mga bagong damit. Nag-white slippers lang din ako. 'Yong dalawa 'yong bubong? Ano bang tawag do'n?

Okay na 'to. Sa supermarket lang naman ako.

Lumabas na ako ng gate pagkatapos i-abot ni Mama sa akin 'yong listahan ng bibilhin ko at 'yong pera.

Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko na naman 'yong babaeng pak na pak 'yong OOTD at mukhang yayamanin na nasa harap ng bahay namin.

Nakapusod ang lahat ng buhok nito ngayon at naka-white off shoulder dress na pinaresan niya ng white heels at white pouch. Parang kukunin na 'to ni lord, ah.

He Stole My First Kiss | Completed √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon