Chapter Twenty-seven

2.3K 65 13
                                    

LINGGO

Araw ng linggo ngayon at may date ako pero hindi na kay Leon kundi sa dalawa, si Jane at Kate.

Nakabihis na ko ng pang-alis. Simpleng oversized t-shirt na pinaresan ko lang ng highwaist at white rubber shoes. Bi-nun ko lang ang mahaba kong buhok. Tapos, okay na! Ready ng lumarga.

Hinalukay ko lang mga suot ko ngayon sa damitan ni Ate kasi ayoko munang suotin 'yung Jumper na bigay sa akin ni Papa. Sa sunod ko na lang siya susuotin, kung may susunod.

Nagpaalam naman ako sa kaniya.

Saglit akong tumingin sa salamin bago napabuntong-hininga.

Akala ko hindi mahilig sa akin ang eyebags, akala ko lang pala 'yon.

Halos hindi kasi ako nakatulog kagabi ng maayos dahil sa kung ano-anong naiisip ko na puro lang naman si Leon.

Irita ka, Leon.

This is all your fault!

Tumalikod na ako sa salamin at naglakad palabas ng kwarto.

Pagkababa ko, naabutan ko si Mama na nasa sala nanonood ng telebisyon. Wala si Papa sa bahay dahil nasa trabaho.

Nilibot ko ang paningin sa paligid. Nangunot ang noo ko. "Si Ate nasaan, Ma?" tanong ko.

Lumingon siya sa akin. "Gumala rin kasama ng mga friends niya. Gusto nilang sulitin day off nila ngayong araw. Ikaw ba, aalis ka na?" aniya pagkatapos niya kong suriin mula ulo hanggang paa.

Alam na ni Mama na may gala kami nila Jane. Nagpaalam na ko kagabi.

Ngumite ako at tumango. "Opo, Ma."

Tipid siyang ngumite bago tumayo. "Eka, masaya ko na bago ka grumaduate ng highschool ay nagkaroon ka pa ng mga kaibigan," aniya nang makalapit.

"Opo, masaya rin ako, Ma. Dahil nakilala ko sila."

Ginulo niya ang buhok ko. "This is your first gala with them, right?"

Tumango ako.

"Gawin mong memorable ang araw na ito sa inyo, anak. Magpakasaya kayo at sulitin ang araw na ito."

Malawak na ngumite ako sa kaniya. "Noted, Ma!"

Natawa siya bago nagseryoso. "Kalimutan mo muna si Leon sa araw na ito. Alam kung may hindi kayo pagkakaintindihan kahapon kaya hindi natuloy ang date niyo."

Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. "Ma..."

Napabuntong-hininga siya. "Sige na, alis na. Baka hinihintay ka na ng mga kaibigan mo."

Napabuntong-hininga rin ako at pilit na ngumite. "Opo, Ma. Ba-bye po!" Nagsimula na kong maglakad.

"Ingat, sweetie." Ngiti niya.

Nakalabas na ko ng bahay. Napakamot ako ng ulo bago napanguso.

Forget about Leon, self, okay?

Sulitin mo ang araw na ito at magpakasaya kasama si Jane at Kate.

Tama, tama! Susundin ko ang sinabi ni Mama.

Pinilit kong ngumite at nagpatuloy na ko sa paglalakad patungo sa bus stop kung saan naghihintay sa akin ang dalawa.

Napagusapan kasi namin na doon na lang maghintayan dahil pare-parehong malapit ro'n ang bahay namin.

"Bakla, akala ko i-indian-in mo na kami! Ang tagal mo kasi," reklamo ni Jane, pagkarating ko sa bus stop. Kasalukuyang itong nakaupo sa mahabang bakal na upuan, katabi si Kate.

He Stole My First Kiss | Completed √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon