REEN JHAME MAVINE
Minutes just after I messaged him, he arrived and he went straight to his terrified mother whol couldn't stop sobbing. Nakikita niya pa rin kasi ang mga katawan ng mga lalaki na narito sa bahay at walang buhay. Ang mga dugo ay nagkalat.
Nakatayo lang ako sa bungad ng pinto, pinanonood ang mga kasama niya sa agency na asikasuhin ang mga bangkay. They all worked together as a team, cleaning the blood and ensuring that the dead bodies won't be noticed by the surveillance camera outside.
May isa sa kanila ang buhay pa. Dinakip nila iyon para sa gagawin nilang imbestigasyon at interogasyon. Kahit ano pa ang gawin nila sa tao na iyon para mapaamin ay hindi sila magtatagumpay. Casimir's troops were trained to not answer questions. Hanggang kamatayan ay mananatili ang katapatan nila kay Casimir.
"Are you alright?" Isang kamay ang pumatong sa balikat ko. "Hindi ka ba nasaktan?" His eyes are worried.
Tinanguan ko lang siya. Humalukipkip ako kaya inalis niya ang kamay niya sa balikat ko. "Thank you for saving my mom. She told me that you saved her."
"What saved? Hindi ko siya niligtas. Wala namang nangyari sa kaniya. I prevented the something that could and might happen to her."
Parang nahihiya siyang saglit na nilingon ang ina niya. Bahagya nang nawawala ang takot sa mukha nito dahil nalinis na ng kagrupo niya ang kalat na naiwanan.
"Hindi pala ako dapat umalis. I'm sorry."
Hindi ako sumagot. Iba ang nasa utak ko ngayon. Now, that I've learned that Casimir is still fucking alive, I have to do something. Kilala ko na ang lalaking iyon, sa tagal ng pagsasama namin ay kahit pag-utot niya ay alam ko na ang baho.
Hindi siya titigil hangga't hindi niya natatapos ang isang layunin niya, at iyon ay matapos ako. Kung hindi niya ako makukuha ay sa iba niya itutuon ang pokus niya. Ibabaling niya sa mga taong nakapaligid sa akin ang galit niya.
Kung nagkataon kanina na hindi nila ako nadakip at ang nakita nila ay ang ina ni Rico, siya ang gagamitin nila para palabasin ako at lapitan sila nang kusa. Hindi ko iyon gagawin. I won't fly high and would try to reach the sun.
Hinatid ni Rico ang ina niya pauwi sa bahay nito para masiguro na walang mangyayari sa kaniyang masama. Nakatitig ako sa kawalan habang pinaiikot sa daliri ang wedding ring namin. Bumaba ang tingin ko roon.
Bakit ba hanggang ngayon ay hindi ko pa hinihiwalayan ang kumag na ito? Kung tutuusin ay siya ang nagpapainit ng ulo ko. Hindi rin ako makakakilos nang maayos kung nakapaligid siya at pipigilan ako na kesyo siya ang asawa ko.
"I don't want my father to know what happened."
Napalingon ako agad sa kaniya nang makauwi siya. Umupo siya sa kaharap kong upuan, isang counter top ang namamagitan sa aming dalawa. Nagbukas siya ng isang vodka kaya napangiwi ako. "Make sure you're not going to puke." Sita ko sa kaniya bago pa siya makapagsalin sa baso.
"I'm not, don't worry."
Umangat ang kaliwang kilay ko sa sinabi niya. Sinubukan niya pa akong alukin ng isang baso pero umayaw ako. Hindi ko gusto ang lasa ng mga alak lalo na kung mayroong alcohol.
"Alam mo bakung sino ang pwedeng gumawa nang ganoon?"
Ang tinutukoy niya ay pag-atake sa amin kanina. Umiling ako. "Hindi." Pagsisinungaling ko. Hindi ko na balak pang ipaalam sa kaniya ang nalalaman ko. Hahadlangan niya lang ako kung sakaling may gawin ako.
"Kumain ka na?" He asked. I shook my head.
Hindi ako nakapagluto dahil sa pag-iisip sa nangyari. "Sa palagay ko ay hindi titigil ang nasa likod ng pag-atake kanina hangga't hindi niya ako napapatay." Sambit ko.
BINABASA MO ANG
REPLICA II
Misteri / ThrillerDetermined to uncover the truth behind her father's feelings and forge a connection with him, Rejhine sets out on a journey of self-discovery that leads her down a path of unexpected revelations and heart-wrenching truths. As she navigates the compl...
