REJHINE
Malakas na hangin ang tumatangay sa maliliit na hibla ng buhok ko habang umiinom kami ng tsaa sa labas ng palasyo. Hindi gaanong malayo sa lugar ko ang Imperial Right Hand na si Lord Keiser. Well, they usually call him that because he still belong to a noble family.
Sa labas ng imperyo, mayroong tatlong social class na nasusunod... ang upper, middle, at lower class. Dito naman sa imperyo ay ang nobles at non-nobles... kung tama ang pagkakaintindi ko sa social classes nila.
Kaya nagkakaroon ng mga alipin dahil ang ibang mga tao ay walang pag-aaring lupa. Ang mga nobles na mayroong pag-aaring lupa ay siyang nagiging amo ng mga mahihirap. Nagtatrabaho sila para kumita at magkaroon ng tirahan dahil nga wala silang lupa na pag-aari.
Sa madaling salita, kung may pagmamay-ari kang lupa, isa man o higit pa... mayaman ka na. Sa ibang bansa ay hindi ganoon. Kahit may sarili kang lupa, kung wala kang pera... mahirap ka pa rin. Kaya trabaho at negosyo ang kayamanan para sa kanila.
Dito lupa. Lupa at ari-arian, lalo na ang kapangyarihan.
"I was wondering while walking if the moon fell down..."
Napalingon ako sa nagsalita. Ang Prince Fregory, naglalakad siya papunta sa direksyon ko.
"...it turns out that it was just Her Majesty being so beautiful as always."
Napangiwi ako. "Why are you here?" Naiirita talaga ako kapag nakikita ko siya. Dahil siya pa rin ang nasa isip ko na siyang pumaslang nang tuluyan sa ama ko.
"May I sit?"
"Of course you may, what, do you want me to carry you to sit?"
Tumawa naman siya, ganoon din ang kasama niyang hindi ko kilala. Tunatawa silang dalawa. "The Empress can do jokes. The morning's beauty is true if the Empress smiles."
Ano naman kaya ang kailangan ng lalaking ito ngayon? Napairap ako. "What do you want now?" Agad na tanong ko sa kaniya habang inaangat ko ang maliit na tasa ng tsaa para makahigop ako.
He leans on his chair. "I will say it before anyone tries to stop me..."
Kumunot ang noo ko.
"When are you going to marry?"
Mas lalong nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. Napakabastos naman ng tao na ito. Sana alam niya na bagong annul lang ako kay Rico. "And when did it concern you that I'm single and handled the empire well?"
Umiling-iling naman siya habang ang mga ngisi sa labi ay hindi nawawala. "I'm not trying to say this because you can't rule well... but, I think it's best if you have a partner who can help you act accordingly."
"What did you just say?"
"Oh, no. I'm sorry. That is not what I'm trying to say. It's not that you act mischievous... Your Majesty is perfect, please spare my life."
Gusto ko siyang sampalin at sakalin.
"We need an heir." He calmly said after he breathes heavily.
Nagmamadali ba siya? Ano naman sa kaniya kung may tagapagmana o wala pa? Saka isa pa... may tagapagmana na ako, at iyon ay si Fleur.
"A male heir to rule a despotic and powerful empire."
"Are you really saying that I can't rule the empire that my father was once ruled? I don't want you to forget who you're talking to... I am your Empress Regnant."
He bowed his head. "Of course, Your Majesty." Tumayo siya. Sinundan ko siya nang tingin nang hindi siya tuluyang umalis. "Maybe you want to meet with my friend who is the Emperor of the neighboring Empire. The connection you two would make could be unevitable and would make us more powerful and prosperous."
BINABASA MO ANG
REPLICA II
Mystery / ThrillerDetermined to uncover the truth behind her father's feelings and forge a connection with him, Rejhine sets out on a journey of self-discovery that leads her down a path of unexpected revelations and heart-wrenching truths. As she navigates the compl...