41

50 2 2
                                    

REEN JHAME MAVINE

Agad kong sinalubong si Rovin nang makita ko siya. Sinilip pa namin ang paligid bago siya pumasok sa kwarto kung saan ako tumutuloy. "Grabe ka naman humawak sa braso ko, aray."

Hindi ko siya pinansin nang mapahawak siya sa braso niya. "I heard what they were talk—"

"Magtagalog ka, Mav. Baka may makarinig sa iyo at isipin pa nilang kaaway ka." Aniya.

Napairap naman ako, "narinig ko ang mga pinag-usapan sa council. Lalo na ang sinabi ng punong-konseho sa impostora ko. I think, may plano siyang masama."

"Syempre meron. Lahat naman ng nasisilaw ng yaman ay may planong masama sa mas nakatataas sa kanila. Hindi na sorpresa ang bagay na iyon."

Hindi niya naiintindihan ang ibig kong sabihin. "Nasaan siya ngayon?" Tanong ko sa kaniya.

"Balak raw niyang maligo." Tumayo siya at nilapitan ako. "Ngayon ang gusto kong malaman ay kung sino ang pwedeng magpanggap bilang ikaw. Bakit niya naiisip na magpanggap na ikaw? Alam ba niyang ito talaga ang buhay mo at gusto lang niyang maging parte nito? Naguguluhan ako. Kung ako siya, hindi ko maiisip na pumunta pa rito."

Pansin ko nga sa mukha niya na naguguluhan siya. Mas lalo lang siyang maguguluhan kung sabihin ko sa kaniyang hindi naman talaga impostora iyon at isa siyang clone. I know it's hard to believe, even I couldn't believe at first until I saw it with my own eyes!

"Well, hindi ko alam ang sagot diyan."

"Kung hindi kita nakita, sigurado akong iisipin kong siya ikaw. Magkatulad kayo kung mag-isip at kumilos. Pareho kayo ng ugali at pananalita kaya nakakaloko talaga. Siguro kung magkatabi kayo ngayon ay hindi ko alam kung sino ang sino!"

Sino ang sino?

Sino nga ba ang sino sa amin? Ako ba talaga ang totoong ako o ako ang clone?

I can't be a clone. I know me. Mula pagkabata ay alam ko kung ano ang mga nangyari sa akin. Alam ko ang paghihirap na dinanas ko kaya imposibleng ako ang hayop sa aming dalawa.

And why would Rico even build such thing? Paano pumasok sa kokote niya ang gumawa at mag experiment ng tulad nito? This is dangerous!

Paano kung hindi ko na kailanman makaharap ang clone at mamatay ako sa kamay niya? Of course I won't let that happen.

"Hanapin ko muna si kamahalan, Mav. Huwag kang lalabas rito."

I can still remember what Rico told me. If the clone learned that she is a clone, she will kill me because I am the original. Therefore, it's me who shall kill her before she could even get to me.

Pero, paano ko naman magagawa ang bagay na iyon. Nakapanghihina. Kung makita ko siya ay maaalala ko lang ang kakambal ko. Samantha Rae. Bakit maaga kang kinuha sa atin ng Diyos? Mahina ka kasi.

I told you to be more bold!

Wait. We're twins. Does it mean she's also an empress? Iyon ay kung buhay pa siya. Where's my crown anyway? Dapat suot ko ang korona ko. May korona ba ang isang empress? A sword?

Well, whatever. Ang dahilan kung bakit ako nandito ay para patayin ang clone at bumalik sa Pinas. Hindi ako magtatagal sa nakakatakot na lugar na ito. Never. Wait, where's Jaxie's baby?! Anong ginawa sa kaniya ng clone?!

"Sino ka?"

"What the fuck!" Napatalon ako nang makaramdam ako ng malamig na metal sa leeg ko. Agad na dumako ang tingin ko sa espada hanggang sa magtagpo ang mga mata namin!

The replica!

Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan ako. Magarbo ang kasuotan niya, halatang siya ang kinikilala nilang empress. "Sino ka? Why are you wearing my face?"

REPLICA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon