14.2) Dead Or Alive?

122 2 2
                                    

Hi, kung may nagbabasa man. I am very sorry for not updating soon. Pangako ko na ang mga susunod na tagpo ay kaabang-abang. Kung may nagbabasa man. Salamat sa nagbabasa. Nakasulat sa red notebook ko ang lines ni Rejhine as an empress (if she became one) and other lines for antagonists.



--
REEN JHAME MAVINE


If I became their ruler, then that only means that I could be the most powerful person ever live. I can totally do anything.

"Paano 'tong baby 'pag umalis ka?" Tinuro ni Rovin ang natutulog na sanggol sa sarili nitong duyan.

Muntik ko nang makalimutan ang bata, ang baby ni Jaxie. Parehas lang kaming hindi nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang mga magulang namin. Pero siya, kahit kailan ay hindi na niya masisilayan ang mga mukha nila.

"Ikaw muna ang mag-alaga sa kaniya. Babalik din ako makalipas ang ilang araw. Hindi ko magtatagal roon."

Sumimangot naman siya nang sabihin ko iyon. "Ulol, hindi ako naniniwala. Baka malaman ko na lang ikaw na ang namumuno roon!"

Kumunot ang noo ko. "Kakausapin ko lang naman ang ama kong may sakit. Malay naman natin na hindi totoong mamamatay na siya, baka gusto lang niya na pumunta ako roon."

Ano nga ba ang dahilan kung bakit gusto
niyang sa akin ipagkatiwala ang imperyo na iyon? Ano naman ang malay ko roon? Iniisip ba niyang anak niya ako at pwede ko siyang tularan? What on earth is this? Bakit kailangang ganitong buhay pa ang napuntahan ko. Pwede namang anak na lang ako ng isang drug lord.

"Kamusta?"

Bumungad sa akin ang matamis na ngiti ng ama-amahan ko habang umuupo siya sa bakanteng upuan sa aking harapan. Gano'n pa rin ang ayos niya mula nang huli ko siyang makita, walang pinagbago, humaba lang ang bigote niya at ibang buhok sa gilid ng mukha niya.

"I suppose you already decide?"

Napairap ako nang iyon agad ang itanong niya sa akin. "I'll go but that doesn't mean that I will rule a place like that. I can not imagine myself in that kind of situation." Pagdadahilan ko habang naiiling.

"Your father is too old to rule. Kapag nakausap mo siya ay maiintindihan mo ang dahilan kung bakit ikaw ang gusto niya na maging kahalili."

"Well, I guess it's not my fault anymore if the... throne... remain unavailable for others. If I were him, I will give others a chance to rule an empire. They must vote for their president."

Nahilot niya ang sentido niya. Parang nadismaya siya sa sinabi ko. Totoo ang sinabi ko at hindi ako nakikipagbiruan.

"Hindi ganoon ang sistema sa lugar n iyon, Rejhine. Matalino ka kaya maiintindihan mo rin agad."

"Anong matalino? Are you forgetting something? I never finished my studies. Isa akong hangal at kriminal." Bulong lang iyon dahil may isang pulis na dumaan sa gilid namin. "You are one of those people who turned me into what I am today. Can't you see how miserable my life was and is? If only you can understand my pain." Nag-iba ang tono ko sa huling salitang binanggit ko. Kahit naman na malaman niya pa ang mga napagdaanan ko ay walang magbabago.

All of them are in the past and if I keep on looking back, I think I could never fix my life anymore. What else could be the reason to fix this stupid life?!

Ramdam ko ang pananakit ng katawan ko nang makaalis ako sa lugar na iyon. Walang pinatunguhan ang pakikipag-usap ko sa kaniya. Hindi ko makapaniwala na makakalaya siya sa kabila ng krimen at isyu sa kaniya. Iba talaga ang mayaman.

He said it was just a false accusation. I can't really believe those people who can turn the tables. Malaking halaga siguro ang binayad niya para sa paglilinis sa pangalan niya.

REPLICA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon