15) Nivaya Grazar

128 3 0
                                    

No technologies?!

Paano ako makakatawag nito kay Rovin kung ipagbabawal nila ang cellphone? Hindi sila gumagamit ng kahit anong teknolohiya. Nakakabaliw.

Sakay kami ng isang magandang karwahe. Ang sarap sa pakiramdam na makasakay sa ganitong kagarang sasakyan, simple lang pero astig. Pagbalik ko sa Pilipinas, papalitan ko ang motor ko. Mas bagay siguro sa akin ang nakasakay sa isang maangas na kabayo.

"His Majesty believe you'll be arriving tomorrow, it would be a great surprise if His Majesty sees you to this day."

Ngayon ko lang napansin ang accent niya. Sa dami ng mga sinabi niya sa akin sa buong biyahe namin ay ngayon ko lang napansin ang kakaibang accent na mayroon sila. Parang Arabic na may pagka-Russian. Hindi ko mawari pero magaling naman sila sa Ingles kaya okay na iyon. Nagkakaintindihan pa rin kami.

"Can I ask a question?" Tinaas ko pa ang palad ko. Mabilis siyang napayuko.

"It is my pleasure to answer a question from Your Highness."

Wow. Grabe naman ang recognition na natatanggap ko sa mga taong nasa harapan ko. Hindi ko pa nakikilala ang ama ko pero lumalaki na agad ang ulo ko.

"What is my father's name?"

Napansin kong napalunok siya. "Your Highness, we are prohibited to say or even whisper the powerful name of His Majesty. We can say it once and tomorrow could be our last breath."

"Okay... Okay... I think, I understand now."

Napailing na lang ako at dumungaw sa maliit na bintana ng karwahe. Hindi nila nakikita kung sino ang sakay ng karwahe pero sa tuwing dumadaan kami ay nagsisiyukuan sila at tinatapat ang mga kamao nila sa dibdib. Alam ba nilang darating ako?

"It's the proper way to greet an Imperial carriage and an Imperial family member."

Muli akong napatango sa tinuran niya. Sa mga sinasabi niya ay natututo ako. Sana ay hindi siya umalis sa tabi ko.

Malamig ang klima sa lugar na ito. Ang mga halaman ay kakaiba ang kulay. Parang akala mo ay edited lang sila.

"These flowers and other topiaries were a gift from the Kingdom of Rudadaria thirty years ago."

Ang tagal na rin. Mas matanda pa pala ng tatlong taon sa akin ang mga halaman na nakikita ng mga mata ko. Ngayon lang ako nakakita ng mga bulaklak na mayroong mahahabang petals at maliit na sepals. O sadya lang siguro na hindi ako mahilig sa bulaklak.

Huminto ang sasakyan namin sa isang napakagandang palasyo. Kung tama ako... ito na siguro ang Grazara Palace na binanggit kanina ng Imperial Right Hand of the Emperor.

The shape of the palace, the way it reflect the rays of the sun is so perfect.

Sa loob ng palasyo ay nakapila ang mga tao. Hindi ko sila kilala pero ayon sa pananamit nila... sila ba ang mga slaves na tinatawag nila?

Nakayuko ang mga ulo, ang bawat kamao ay nakalapat sa dibdib nila, ang tindig ay diretso.

I'm really where I should be.

Sinamahan akong maglakad ng Imperial Right Hand. Hawak niya ang kaliwang palad ko, umaalalay sa paglalakad ko. Napatingin ako sa suot ko. I'm wearing my usual leather jacket, combat boots and my holster.

Haharap ako sa emperador na ganito ang ayos? Ayos lang siguro iyon.

Habang naglalakad kami ay napapalingon ako sa lalaking may hawak sa kamay ko. Diretso ang mga mata niyang nakatingin sa dinaraanan namin. Hindi ko man alam kung saan, basta nakasunod lang ako.

REPLICA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon