REEN JHAME MAVINE
Whispers in my head urged me to find a temporary place for days. May kutob ako na kailangan kong manatili sa lugar na ito kahit na ilang araw lang. I can feel there's something on that tenement.
Nilabanan ko ang antok na kanina ko pa nararamdaman. Maging ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko ay gusto nang sumuko pero hindi pa ako pwedeng matulog. I still need to prove myself for the mystery on the tenement that there is.
Mula sa kama kung saan ako nakaupo ay nakatutok ang mga mata ko sa labas ng bintana, kaharap ang building ng tenement na kanina ko pa pinagmamasdan. Madilim at tahimik. Malamig ang hangin na pumapasok mula sa bintana.
Naglabas ako ng isang stick ng sigarilyo at mabilis na sinindihan iyon. Tumayo ako at lumapit sa bintana. Mayroong blinds curtain iyon, humawak ako roon at sumilip.
"Hindi ka ba matutulog?"
Mabilis na umirap ang mga mata ko nang magsalita na ang kumag. Umiling ako. "Matulog ka kung gusto mo. Hindi ako matutulog." Binuga ko ang suko na nakakulong sa bibig ko papunta sa labas ng bintana.
"Ano bang tinitignan mo diyan? Ano na ba ang oras at gising ka pa? It's fucking midnight!"
Bibigwasan ko siya kapag hindi pa siya nanahimik. Ang ayoko sa lahat kapag may trabaho ako ay 'yung masyadong maingay, madada, at pakialamero.
"Go to sleep, Rejhine. We can just continue tomorrow. Have a rest."
Huminga ako nang malalim bago ako muling humithit sa hawak kong sigarilyo. Binuga ko ang usok sa direksyon niya. "Huwag mo akong isipin. Kung pagod ka, magpahinga ka. Hibdj ako natutulog sa trabaho."
"Masyado ka namang seryoso. Huwag kang mag-alala masyado, matatapos din natin ang kailangan nating gawin. Madali na lang mahanap ang lalaki na iyon."
Alam ko. Dahil dito rin siya nakatira sa lugar na ito. Madali na lang iyon para sa akin kung mag-isa lang ako. Pero mukhang mahihirapan ako dahil may kasama akong mabagal makaintindi.
"Just go to sleep." Sambit ko. Pinitik ko ang maliit na upos ng sigarilyo papasok sa maliit na basurahan.
Isang maliit na ingay ang narinig ko. Tumaas ang balahibo sa katawan ko nang lumakas iyon. Napalingon agad ako sa madilim na tenement. There's no sign of light but there's noise. A loud thud and sharp whine from young voices.
Is it really ghost? But, what about the loud thud I heard?
Isang malakas at mahabang pasigaw na iyak ang muli kong narinig na naging dahilan para sa luha na namuo sa mga mata ko. Those voices are fucking real. Who would think that they are ghosts?
Nakagat ko ang labi ko. Kung nandito lang ako ay wala akong magagawa. Kailangan king kumilos, kailangan ko silang puntahan at iligtas. Mga bata lang sila!
"Saan ka pupunta?"
"Hindi mo ba naririnig ang mga batang umiiyak?!" Pabalik na tanong ko sa kaniya habang sinusuot ko nang maayos ang thigh holster ko na konektado sa hip.
Kumunot ang noo niya. "Sabi ng matandang babae ay multo lang iyon."
Isa-isa kong nilagay ang revolver sa holster habang ang maliit na flashlight ay sinukbit ko sa isang maliit na bulsa. "You believed her? Hindi totoo ang multo, ano ka ba, bata?"
"Hindi ka aalis." Humawak siya sa braso ko na agad kong inalis. "Malaki ang lugar na iyan, mapapahamak ka!"
"Mapahamak na ako, huwag lang ang mga batang walang alam sa nangyayari. Ililigtas ko sila kahit ako lang mag-isa. Diyan ka at manood." Tinulak ko siya pabalik sa kama na hinihigaan niya. "Hindi kita kailangan."
BINABASA MO ANG
REPLICA II
Mystery / ThrillerDetermined to uncover the truth behind her father's feelings and forge a connection with him, Rejhine sets out on a journey of self-discovery that leads her down a path of unexpected revelations and heart-wrenching truths. As she navigates the compl...