10) She, The Empress

162 4 8
                                        

REEN JHAME MAVINE

Isang malalim na buntong-hininga ang naging dahilan para lingunin ko ang katabi ko. May hawak siyang sombrero na sinuot niya kanina. "Hindi ako makapaniwala na hindi mo man lang kinompronta ang asawa mo." She exclaimed.

Lumipat ang tingin ko sa malayo. "May iba akong iniisip. Kapag kinompronta ko siya nang gabing iyon… baka mapatay ko siya. Kapag nangyari iyon, walang magbabago. Magpapatuloy pa rin ang mga ginagawa nila." Sagot ko.

Umayos ako ng pagkakaupo nang makita ko na si papa na kasama ang isang pulis. May suot siya posas sa mga kamay niya. Naupo siya sa kaharap naming bakanteng upuan. "Akala ko ay hindi ka na bibisita." Wika nito. "Sino naman ang kasama mo?" Tinuro niya ang katabi ko.

"She's Rovin. Don't you remember her? The sister of Jaxie's husband." Sagot ko sa kaniya. Naitango naman nito ang ulo niya.

Tumitig siya sa mga mata ko saka siya napakunot ng noo. "Huwag mong sabihin sa akin na hindi ka pa rin nagbabago." Sambit niya. Ang tinutukoy niya ay ang trabaho ko. Wala naman akong sinabi sa kaniya na tatalikuran ko iyon.

Saka iyon lang ang source of income ko. Hindi naman ako umaasa sa kaniya o sa negosyo niyang wine na iba na ang nag-aasikaso simula nang pumanaw ang kapatid ko.

Napairap ako. "I came here to visit you, not to ask you to scowled at me." Nilapag ko sa mesa ang paper bag na binili namin galing sa isang convenience store.

Hindi niya pinansin ang pagkain na dinala ko para sa kaniya. Inusog niya iyon papunta sa gilid at hinawakan ang kamay ko. "Nakapag-isip ka na ba, Rejhine?" His voice went to a low tone. "Tungkol sa ama mo."

Muli na namang bumalik ang usapan na iyon. Ang tungkol sa ama ko na hindi ko naman kilala at hindi ko kailanman gustong makilala. "Hindi ko iyon pinag-isipan. Wala akong pakialam sa bagay na iyon."

Napanganga naman siya sinabi ko, parang hindi pa siya makapaniwala na hindi ko gustong magmana ng isang kaharian. Sa mga teleserye lang nangyayari iyon. Saka, paano ako magiging magaling na pinuno… hindi ako nakapag-aral.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Rejhine." His forehead creased as if I'm really wrong and in a bad situation.

"Ang sinasabi mo ba ay mali ako? Sino ba ang ama na ayaw magkaroon ng anak na babae? It was him. Which is why my mother was forced to send us away."

Batid kong nagtataka si Rovin sa kung ano ang pinag-uusapan namin ng ama-amahan ko. Saka na lang ako magpapaliwanag sa kaniya para naman ay maintindihan niya ang usapan namin at ang pinagdadaanan ko.

"Naiintindihan kong galit ka sa ama mo. Pero, anak ka pa rin niya. Sana ay magpakita ka man lang sa kaniya kahit isang beses bago siya pumanaw."

"No. The hell I care? Mamatay siya kung mamamatay siya." Gusto kong sumigaw pero dahil maraming nakapalibot na pulis ay pinanatili ko ang pagiging kalmado.

Naipikit niya ang mga mata niya. Hinilot nito ang sentido bago siya biglang nagmulat at tumingin ulit sa akin. "Napapanood ko sa tv ang mga krimen na kumakalat. Lalo na ang mga nawawalang bata na binebenta ang laman-loob."

"Of course you'll hear it. That's all over the news."

"Mabuti at nailigtas ang mga bata at nakauwi na sa kani-kanilang pamilya." He commented. "Alam kong isa ka sa mga iyon."

"Mali ka. Masyado kang mapagbintang." Napairap ako saka ko sinandal ang likod ko sa upuan. "Hindi ko iyon magagawa sa mga bata. May sarili pa akong bait, hindi pa ako baliw."

Tumikhim siya. Luminga sa paligid at muling lumingon sa akin. Nilapit niya ang katawan niya sa mesa. "Rejhine, alam kong naiirita ka na kung paulit-ulit kong sasabihin na kailangan ka ng iyong ama. Pakiusap, kahit isang beses lang. Gusto ka niyang makita at humingi ng tawad sa lahat."

REPLICA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon