7) The Zodiac Gang

131 4 0
                                    

RICO JEUSS MATTHEW

Hinila ko ang swivel chair na nakapwesto sa dulong bahagi ng mahabang mesa sa loob ng conference room para umupo. Kaharap ko ang mga tao na kasama ko sa trabaho ko bilang isang special agent.

Ang ilan sa kanila ay nakangiti nang makita ako, ang iba naman ay abala sa paglilipat ng pahina sa mga papeles na hawak nila upang basahin ang report na ginawa ko para sa kanila.

"Now, that she's in that Anti-Crime Agency and doing all the job with all her heart…" I paused to reached the glass of wine. "She's giving me a hard time to counter the rival group." Dagdag ko sa huling nasabi ko.

Tinanguan ako ng aking bise presidente. "She's your wife, how did she become like this? Like sort of a criminal or a hitman."

Bahagyang kumunot ang noo ko , kasaby ng pagbagsak ng buhok ko paounta sa aking mukha. "Dati siyang assassin." Sagot ko rito. "Tang Organization raised her. She was their human weapon… she has no idea right from the start that she was working for a criminal mastermind." May maliit na ngisi na sumilay sa labi ko habang inaalala sa isipan ko ang bagay na iyon.

How can she be so pathetic?

Hindi niya man lang talaga naisip na niloloko na lang siya ng Tang Organization, siya ang nagiging tulay para magkaroon ng illegal trading sa pagitan ng China at Pilipinas. Ngayon ay tinatama niya ang mga pagkakamali niya sa pamamagitan ng isa pang krimen.

She really is funny.

"Fredrin." Pukaw ko sa isang lalaki na nasa gitnang bahagi ng mesa. Agad siyang nag-angat ng tingin sa akin. "Kamusta si Leonardo Meza San Jose? You saved the children, how many are they?" Maawtoridad ang boses na tinanong ko siya.

He lean on his chair, "you called me that night, sir. I was able to track and received the signal from your transmitter so I headed right away." He answered. "I saw your wife that night inside the building, the target was dragging him towards the room and locked her up." Habang nagsasalita siya ay gumagalaw rin ang mga kamay niya.

Huminga siya. "I made him fall to sleep with the help of the tranquilizer gun and dragged him to the van. The children… my eyes saw them. Full of cuts, one of them was barely breathing, I gave him full response of first aid. He's safe now. They're 31."

Napatango naman ako. Parang gusto ko pa siyang palakpakan sa sinagot niya sa akin. Baguhan lang siya pero mukhang sanay na siya.

"Narito ang mga pangalan nila." Inabot nila sa akin ang isang folder na galing kay Fredrin.

Kinuha ko iyon at binasa. Nakasalaysay rin ang lugar ng tirahan at pangalan ng mga magulang nila. "Good job." Sinara ko ang folder. "Lahat ng assignment na ibibigay sa amin ni Mr. Savante ay ibibigay ko sa inyo. Importanteng tayo ang mauna. Ang matandang iyon ay iba na ang pinagkakatiwalaan ngayon."

"Noted, sir."

Gusto kong makita si Leonardo. Laking pasasalamat ko talaga na hindi naabutan ni Rejhine ang mga bata. Mahalaga sa akin na buhay sila at walang kulang. I still need their bodies for important matters.

Isang malaking pader ang asawa ko kung magkataon man na maabutan niya ang mga iyon. She will kill that Leonardo and free the children. Those kids are for sale.

--
REEN JHAME MAVINE

Pinaikot ko sa daliri ko ang ink pen na hawak ko. Magpahanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko na pumalpak ako. Ngayon pa ako pumalpak kung kailan nasa harap ko na siya, kung kailan hawak ko na siya at naririnig ko ang mga boses ng mga bata.

Humampas sa mesa ang isang makapal n folder. Kasabay noon ay ang paghampas ng dalawang kamay sa mesa. Umangat ang tingin ko. "Congrats for failing the first mission, Virgus." Bungad nito sa akin.

REPLICA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon