18) Cease-Fire

117 4 0
                                        

Ayon sa balita, nawawala raw siya. Kaya ang mga magulang niya ay nagpahayag ng isang malaking presyo sa kung sino man ang makapagtuturo sa kinaroroonan ng anak nilang si Rico Montañez. Hindi kayang tumbasan ng kahit anong halaga ang buhay na nawala dahil sa kaniya.

Bukod sa kapatid ko, alam kong maraming bata at mga babae ang nawala, nawawala, at nawalan ng buhay.

Nakatitig ako sa screen ng cellphone ko, basag.

"Nag-alala ako, akala ko ay hindi ka na makakabalik nang buhay." Binigay niya sa akin ang isang baso ng tubig na kinuha niya sa refrigerator. "Anong nangyari?" Tanong niya nang makaupo siya sa tabi ko.

Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ang gusto kong mangyari. Simple lang naman siguro intindihin iyon. Sasama sila sa akin at tatanggapin ko ang inaalok ng ama ko na maging pinuno ng imperyo niya. Hindi dahil sa kapangyarihan kaya ko ginusto, kundi dahil sa mga tao na umaasa sa akin at sa mga taong may ibang nais makamit.

"I met my father." Bigkas ko nang makalagok ako ng tubig mula sa baso. "He's really sick, I thought he's faking it so I'd come."

"So, anong balak mo? Papayag ka ba na doon tumira? Pwede ba iyon? Syempre hindi ka naman lumaki roon lalo nang hindi mo alam ang mga paraan ng paninirahan doon. Mahihirapan ka."

Tinanguan ko ang sinabi niya. "You're right. Mahihirapan ako. Wala akong alam sa lugar na iyon at hindi ako babagay sa kanila. Hindi naman ako nakapag-aral. Nakakahiya. Lalo na kapag nalaman nilang isa akong kriminal." Napayuko ako nang maalala ko ang bata roon na lumapit sa akin.

Hanggang ngayon ay nasa utak ko pa rin ang mukha niya at ang hawak niya noon na tuyot na bulaklak. She's eating a dead flower to stay alive.

"I met a prince. Akala ko ay mabait siya pero nang malaman ko kung ano ang binabalak niya ay parang may nag-udyok sa akin na manatili roon. Kaya nga ako bumalik, para makausap ka na sumama pati ang anak ng kapatid ko."

Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi siya agad nakapagsalita at nakatitig lang siya sa mukha ko. Pagkuwa'y napangisi siya at umiling. "Ano kamo? Isasama mo kami roon sa lugar na iyon? That's freaking dangerous! No way."

Alam ko nang ito ang magiging reaksyon niya. Hindi nga ako nagkamali. "Ngayon ka pa ba naging aware kung gaano kadelikado iyon, gayong matagal ka nang nasa gano'ng buhay? Kung hindi ka sasama ay mas delikado para sa akin ang manirahan doon. Iniisip ko kasi na gagawin kitang kanang kamay ko."

Pinagmasdan ko ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko. "Kanang kamay? Mas delikado nga talaga, Mav. Ibang klase ka rin mag-isip. Nakakaintindi ba ng tagalog iyang kasama mo?"

Mabilis niyang tinapunan ng tingin ang kanang kamay ng ama ko na inutusan nitong sumama sa akin. "Hindi. Swerte ka."

"Buti naman. Pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ito lang ang nasa utak ko ngayon... DE-LI-KA-DO."

Natawa ako sa huling salitang tinuran niya. Hindi ko tuloy maiwasang lingunin nang palihim ang kasama ko. Seryoso lang ang mukha niya. Halatang walang naiintindihan sa pinag-uusapan namin ni Rovin.

"Kahit kailan hindi ko pinangarap iyan, ang akin ay maging hitman. Plano ko nga ngayon na maghiganti sa pamilya ng ex-husband mo."

Parang pumintig ang ugat sa utak ko nang marinig ko ang pangalan ni Rico. Kamusta na kaya ang isang iyon?

"Nawawala raw siya." Sambit ko.

Tumango siya. "Oo, lumabas sa dyaryo at tv ang mukha niya. Ang makapagturo kung nasaan ang hayop... may reward na 5 million."

Ruso called me a hundreds times but I wasn't able to answer one. Sigurado akong itatanong niya kung may alam ko sa pagkawala ni Rico. Wala. Wala akong alam.

REPLICA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon