REEN JHAME MAVINE
I look straight into his eyes without any emotions that can be seen in mine. He started to grin as if he really want me here. "What's up?" He asked as he raised his eyebrow.
Hindi ako umimik o ngumisi man lang. Hindi ko akalain na sa hinaba ng panahon na hindi kami nagka-usap nang maayos ay dito pa kami magkikita sa kulungan. He's still the man I met eleven years ago. The man who taught me to steal. "Grey…" I murmured his name. "Tell me who's behind this."
Napailing siya sabay ng pagpalatak ng dila niya. "Grey ang pangalan ko. Isang dekada na ang nakaraan pero hanggang ngayon ay Drey pa rin ang tawag mo sa akin. Nakakainsulto ka."
Hindi niya man lang sinagot ang tanong ko sa kaniya. "Who's behind this crime?" I asked him again, hoping he'll tell me.
"Ano naman sa iyo kung sino? Wala ka namang magagawa kapag sinabi ko sayo ang lahat. Ikaw ba si superman? Si batman ka ba? Kung ako sayo… lalayo na lang ako at magbubulag-bulagan."
Huminga ako nang malalim.
Kahit hindi niya sinagot nang maayos ang tanong ko, nasagot naman niya kung anong klaseng tao ang dahilan ng krimen nila. He gave me a hint about his boss.
"Akala mo ba kapag sinabi mo sa kaniya na tigilan niya ang ganito ay gagawin talaga niya? Hindi mo kilala kung ano ang kayang gawin ni Ruso."
Tama nga ako. Hindi talaga nagkakamali ang kutob ko simula nang marinig ko pa lang ang balita.
"Kahit may gusto sayo ang tao na iyon… hindi iyon makikinig sa mga sinasabi mo. Mas mahalaga sa kaniya ang negosyo ng pamilya niya kaysa sa isang babae lang."
Nilunok ko ang laway na naipon sa bibig ko. "So, he really did not change." I commented.
Tumango naman siya. "Huwag ka nang gumitna sa malawak na kalsada, V. Ako lang ang maaawa sa pwedeng mangyari sayo. He will kill you mercilessly if you start to go against him."
Tumalim ang tingin ko sa kaniya. "You mean… he's not killing me because I'm not blocking his way?"
"At dahil type ka niya! Kapag naging smooth na ang negosyo niya rito ay popormahan ka niya. Iyon ang balak niya, ah." Sagot naman niya sa akin kaya hindi ako naka-imik.
Ano naman ang pumasok sa kokote niya para maisip na may pag-asa siya sa akin? Kahit duling ako, hindi ko siya matitipuhan. Wala sa bokabularyo ko ang mag-asawa ng kriminal.
"Natahimik ka?" Untag nito sa akin. Ginalaw niya ang kamay ko kaya nalipat ang tingin ko sa kaniya.
Tumayo ako.
Nagtaka siya, ang labi niya ay napanganga habang nakatingin sa akin. "Saan ka pupunta? Sinabi ko na sayo na huwag ka nang pumagitna sa ganitong isyu. Maawa ka na sa sarili mo."
"Kakausapin ko lang siya." Tipid kong sagot sa kaniya.
Kahit ako ay hindi ko alam kung usap lang ba ang magaganap kapag nakaharap ko siya. Marami akong gustong malaman at malinawan sa ginagawa niya.
"Listen to me very carefully, V!" He tried to stop me by grabbing my arm. "Just act fool. Please. Alam kong hindi mo gusto ito, noon pa man na nagkakilala tayo ay alam ko nang hindi ka pabor sa ganito. Pero, pakiusap… huwag ka nang dumikit pa sa ganito."
Hindi ako nagsalita.
Nakatitig lang ako sa mukha niyang nag-aalala. Kapag ba wala akong ginawa, wala na bang nadadamay na inosente? I will promise myself to keep the innocence out of this matter. Even that could end my life. Who cares, anyway?
Nang makalabas ako sa lugar na iyon ay agad na sumalubong sa akin si Rovin. Humawak siya sa braso ko. "Sino kinausap mo roon?" Tanong niya dahil mula pa kanina ag hindi ko binanggit sa kaniya kung sino ang pinunta ko sa loob.
BINABASA MO ANG
REPLICA II
Mystery / ThrillerDetermined to uncover the truth behind her father's feelings and forge a connection with him, Rejhine sets out on a journey of self-discovery that leads her down a path of unexpected revelations and heart-wrenching truths. As she navigates the compl...