20) Empress Regnant

157 5 0
                                    

I was hugging my own body while I'm on my bed when I heard a knock on the door of my room. Alam kong si Rovin lang iyon, hindi ko alam kung ilang oras na siyang kumakatok. Hindi ko lang kaya na humarap ngayon sa ibang tao.

I heard another knock.

Hinablot ko ang makapal na kumot para takpan ang buong katawan ko. Today is the last day of my father's funeral and I know after this, they will proclaim me as their new ruler and a coronation will happen.

"Mav...? Uhm, may naghihintay kasi sayo... isang prinsipe, eh." That's Rovin's voice. Siya lang naman ang makakapagsalita rito ng tagalog bukod sa akin.

Isang prinsipe? Is he Fregory? Mukhang balak niya pa akong insultuhin ngayon dahil sa pagkamatay ng Emperador. And I can feel that he killed my father.

Tumayo ako.

Lumapit ako sa pinto para buksan iyon. Bumungad sa akin ang mukha ni Rovin. Nakasuot din siya ng uniporme na parang isang sundalo. She became a dame.

"Is he Fregory?"

Umiling siya. "Hindi ko alam. Hindi ko nga naitanong ang pangalan, eh. Gusto ka raw kausapin ngayon na mismo at tawagin daw kita."

Napairap ako.

"Crush ka siguro no'n." Banat pa niya nang maglakad kaming dalawa.

"Kamusta ang mga tao sa labas?" Pag-iba ko sa usapan. Hindi ako makalabas dahil lalong bibigat ang damdamin ko kapag nakita ko ang mga bata.

They're craving for something called freedom.

"Ayun, maraming tao. Nag-alay sila ng mga bulaklak sa labas ng gate. May iba na doon natulog at umiiyak."

Maging ang mga tao na humahanga sa ama ko ay sadyang hindi makapaniwala sa biglaang pagkawala niya. Nangako siya na bago man lang pumanaw ay bibisitahin namin ang Tabekk.

Sa lugar na iyon nakatira ang bata na minsan kong nakaharap. Tuyot na bulaklak ang kinakain nila, wala silang tubig kahit na ang dagat ng Tabekk ay malapit lang sa kanila. Hindi ko pa alam ang buong dahilan kung bakit wala silang resources, pero alam kong malalaman ko rin iyon kapag naging pinuno na ako ng teritoryo na ito.

Lahat ng sikreto sa imperyo ay babagsak nang kusa sa mga palad ko.

Huminto ako sa paglalakad nang makita ko kung sino ang prinsipe na tinutukoy sa akin ni Rovin. Parang nakahinga ako nang maluwag. "That's Prince Alu." Bulong ko sa kaniya. Napatango naman si Rovin.

Marahan na humakbang ang lalaki palapit sa akin, hinawakan niya ang kamay ko para halikan iyon. "I came to visit Your Highness and to say my condelences upon knowing the death of the Emperor, your beloved father."

"Aalis muna ako, Mav. Hindi ko kakayanin ang marinig silang magsalita." Bulong sa akin ni Rovin.

Mabilis na naglakad siya palabas kaya naiwanan ako sa lalaking nasa harapan ko. "Thank you for making an effort to visit me, Prince Alu."

Sumenyas ako sa kaniya na maupo siya.

Inaayos niya ang suot niya habang umuupo sa sofa. Pwede naman siyang magpadala ng sulat na nagsasabing 'condolence' hindi na siya dapat nagsayang ng oras para magpunta.

"How do you feel, Your Highness? You must be full of sorrows."

Ramdam ko sa boses niya ang pagiging sinsero niya, kapansin-pansing nag-aalala siya sa akin at sa nararamdaman ko. Anong meron? Normal lang ba na maging mabait sa akin ang tulad niya? Alam naman nilang lahat na bigla lang naman akong lumitaw mula sa kung saan.

Hindi kaya ay nagpapanggap siya sa harapan ko para mapaikot niya ako at mahulog sa patibong niya? Well, whatever his intentions are, I'm considering my walls as thick as it could be.

REPLICA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon