19) The Ascending

123 4 0
                                        

My feet can no longer made any step after I entered the castle of the Emperor. It was filled with emptiness and silence. All the knights of the emperor was bowing before me, they were sobbing and I can truly feel their sorrows.

What happened?

Ngayon lang kami nakabalik mula sa mahabang paglalakbay. Ang sumalubong sa amin, mula sa unahan ng teritoryo ay ang mga nakayukong ulo ng mga tao sa emperyo. Humihikbi at parang lahat ay nagtatangis.

Isang lalaki ang lumapit sa amin. Nakasuot siya ng magarang puting kasuotan, sa aking palagay ay siya ang doktor ng aking ama. He bowed his head and knelt down.

Alam ko na ang nangyari.

Hindi ko napigilan ang pagnginig ng labi ko. Wala pa akong naririnig pero malakas ang pakiramdam ko na tama ang hinala ko. "Is he…?" Hindi ko magawang ituloy ang gusto kong sabihin.

Kinuha ni Rovin mula sa akin ang batang hawak ko. Napansin yata niya ang pag-iiba ng emosyon ko. Baka mabitawan ko ang bata. "What happened?" Tanong ko sa doktor na nakaluhod sa harapan ko.

"His Majesty… is… dead."

Naikuyom ko ang kamao ko. Para akong pinompyang sa sinabi niya at nagpaulit-ulit sa tainga ko ang sinabi niya. His words were simple but it was like a dagger that pierced my entire being.

Tumagos ang tingin ko sa kaharap kong doktor, lumipat ang mga titig ko sa madilim na daan papunta sa kwarto ng ama ko. Hindi ko na sila nagawang matignan nang maayos nang patakbo kong tinungo ang madilim na pasilyo.

Habang tumatakbo ako ay ramdam ko ang pag-iinit ng mga mata ko hanggang sa mamuo roon ang mga luha ko na naging dahilan para lumabo ang paningin ko. Napahawak ako sa malaking pinto. Bawat kurba ng mga disenyo ay ramdam ko sa palad ko.

Tinulak ko iyon.

Parang lahat ay bumagal sa paligid ko nang makita ko ang ama ko. Nasa tabi niya ang iba pang manggagamot na inaasikaso siya. Nang makita nila ako ay mabilis silang nagbigay-galang sa akin.

"Father." Humawak ako sa braso niya. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Tinakpan ko ang mukha ko nang tumulo ang mga luha ko. "Hindi. Anong nangyari?!"

Tumingin ako sa mga manggagamot. Nakayuko sila at hindi nagsasalita.

Tumitig ako sa mukha ng ama ko. He died. Bakit ang bilis naman yata ng pagkamatay niya? Alam kong malala na ang sakit niya pero malakas pa naman siya.

Anong nangyari nang umalis kami? Bakit kailangang wala ako bago mangyari ito?

Hindi ko maiwasang malungkot sa nangyari. Mula nang pagpasok ko sa teritoryo ng emperyo ay pakiramdam ko nang may balita akong dapat malaman. Ito pala ang nararamdaman ko na iyon.

"Your Highness, to make the declaration."

Napatingin ako sa isang babae na nagsalita. Nakaharap siya sa harap ng publiko. Napayuko ako, nakita ko ang suot kong formal attire para sa araw na kailangan kong ideklara sa buong imperyo ang pagkamatay ng kanilang emperor.

Tumayo ako. She curtsy before me. I faked a smile. Humakbang ako ay tumayo sa harapan. Some of the ruler of the other kingdoms were here to hear the official announcement I'll be making.

Hindi nawala sa paningin ko si Prince Fregory at si Sebastien. Ang ilan ay hindi ko pa gaanong kilala pero alam kong mga maharlika rin sila.

"Ladies and getlemen… it is my most sorrowful duty to announce to you… the death… of my father, the Emperor." Napalunok ako habang binabasa ko ang declaration speech na sinulat ko.

Huminga ako nang malalim. "I know how deeply the entire nation and I think I may have say… the whole empire symphatize with me in the irreparable loss we have all suffered. It is the great consolation to me to know the emphaty expressed by so many."

"To all of us, as a family, to the Empire of Grazara, and to the other parts of the empire, The Seven Kingdoms… my father gave an example of love and a selfless service. His Majesty's reign was incomparable in its duration, its dedication and devotion."

Too much selfless service that the other nobles abused his kindness. Dahil alam nilang mabait ang ama ko… marami sa kanila ang naging mapang-abusong pinuno lalo na ang pinsan niyang Grand Duke na si Grand Duke Sebastien.

Sisiguraduhin kong matatapos na aang pang-aabuso nila.

"I am deeply aware of this great inheritance and of the duties and heavy responsibilities of sovereignty which have now passed to me." Napansin ko ang pag-irap ni Sebastien at ang pagngisi naman ng prinsipeng si Fregory.

"In taking up these responsibilities, I shall strive to follow the inspiring example I have been set in upholding constitutional government and to seek the peace, harmony, and prosperity of the people of our territory."

Napalingon ako sa gilid ko nang may isang babae ang nagsimulang magpaypay. Siya ang asawa ni Sebastien. Halata sa mukha niya ang pagiging sakim din sa kapangyarihan. Lubos siguro siyang nalulungkot na hindi ang asawa niya ang sumunod sa trono ng ama ko dahil sa akin.

"I will be guided by the Imperial Council of their elected parliaments."

Nagpakawala ako nang malalim na paghinga nang matapos ko ang speech ko. Muli akong bumalik sa upuan ko.

The funeral for my father's death is only three days. After the funeral service I will be proclaimed as their empress.

Nakahawak sa kamay ko si Rovin, siya ang ginawa kong assistant ko. Mas may tiwala ako sa kaniya kaysa sa mga tao rito. Hindi ko hahayaang makalapit sa akin ang mga taong katulad nila na ang gusto lang ay kapangyarihan at pera.

"Anong iniisip mo?"

May kunot sa noo ko nang umangat ang tingin ko kay Rovin. "Magulo ang isip ko ngayon, maraming tanong." Mahina lang ang boses ko dahil pakiramdam ko ay napagod ako.

Ang bigat ng suot ko, mainit sa labas, maaraw at paikot-ikot ang mga mata ko sa paligid. Masyado pang maingay ang bawat bulong sa paligid, para akong aatakihin na lang bigla.

"Mamaya mo na iyan isipin, marami kang oras para diyan."

"Ang iniisip ko… ano ang ikinamatay ng ama ko."

Her forehead creases, "cardiac arrest, you forgot?"

"That's so easy to say. Cardiac arrest… and it happened while I'm away. That's so creepy."

"Iniisip mo bang may pumatay sa ama mo? Sino naman ang gagawa noon sa emperor? Takot lang nila na maparusahan."

Kung may magsusumbong sa totoong nangyari, talagang mapaparusahan siya. Pero kung walang nakakaalam sa totoong nangyari, anong nangyari? Nagbayad siya ng tao para magbulag-bulagan?

Hindi ako naaniniwalang cardiac arrest ang dahilan kung bakit biglang binawian ng buhay ang ama ko. Aalamin ko ang lahat.

"It would be easier for me if the emperor dies and his daughter ascends."

Prince Fregory.

Ikaw ba ang pumatay sa ama ko para mapabilis ang pagluklok sa akin? Alam kong ikatutuwa mo kapag nangyari iyon dahil ang tingin mo sa akin ay isang mangmang.

REPLICA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon