16.1) The Banquet

131 2 0
                                    

Hays bwisit.

Mariin akong napahawak sa suot kong gown. Ang kati at hindi ako sanay. Katabi ko ang ama kong emperador kaya sinusubukan kong huwag gumalaw nang gumalaw. Ayaw kong sabihin ng mga nakakakita sa amin na mayroong anak ang emperador na walang galang.

Tumanggi ako na turuan ng etiquette at kung ano pa na dapat isagawa ng isang royal blood. Sa tv lang nangyayariniyon at panaginip lang ito. Baka mamaya ay magising na ako.

"Tonight, we are welcoming and celebrating the recognition of the crown princess." Nagsalita ang Imperial Right Hand.

Mukhang malaki talaga ang tiwala sa kaniya ng emperador. Siya ang laging kumikilos para sa kaniya. Siguro dahil matanda na siya at naghahanap na lang ng bagong mailuluklok sa pwesto niya.

At dahil ang celebration ay bukas sa lahat para makilala ako, narito rin sa palasyo ang iba't ibang pinuno ng bawat kaharian n nasasakupan ng kapangyarihan ng emperador.

Kanina ko pa nga napapansin ang isang lalaki na tingin nang tingin sa akin. Hindi dahil ako ang tipo niya... matatalim ang bawat titig na binibigay niya sa akin. Kahit saan ako magpunta ay laging may mainit ang dugo sa akin.

"The legitimate heiress of the Emperor, The Imperial Highness, Crown Princess of Grazara Empire, and the Archduchess of the Emperor, hereby declare and formally relinquishing the Imperial Authority."

Napangisi ako.

Nagulat ako nang biglang tumayo ang ama ko na katabi ko lang. Halos mahulog ang puso ko. "That is not the Royal Announcement I wrote." Pagkontra niya sa sinabi ng kanang kamay niya.

"Your Majesty, the words were written on the scroll you gave me and it has a mark of your signature."

Binigay niya sa emperador ang hawak nitong scroll. Kumunot ang noo niya. "This is trash. I know my words. I'm old... but, I'm not dumb!"

Napaatras ang mga kawal na nakalinya nang ihagis niya ang scroll. Grabe. Para akong aatakihin sa puso. Nakayuko lang sila habang may isa na nakataas ang noo. That man again. Who is he?

Kumalma naman agad ang emperador kaya humupa ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi na dapat siya nagpapadala sa galit niya. Ang pagdalo niya sa banquet ay hindi ganoon kadali, nahirapan pa siyang makapaglakad kung hindi niya pipilitin.

"Your Highness, this is the gift from the Grand Duke of Garneia."

Nag-aalangan pa ako kung dapat ko bang tanggapin iyon pero dahil isa siyang regalo ay kailangan ko iyong tanggapin. Bastos raw ang pagtanggi sa isang regalo. Binuksan ko iyon nang mapansin kong naghihintay sila. I smiled while trying to open the wrapper of the small box.

"Your Highness, that is our most valuable hand cream that we made from natural resources such as petals from flowers." Ang nagsalita ay ang isang magandang babae. Medyo may edad na, sa tingin ko ay nasa 40 na siya. Pero hindi halata iyon sa mukha dahil napakakinis pa rin ng balat niya.

Isang hand cream. Lotion? Nakalagay siya sa isang magandang bote. Kahit ang bote sa kanila ay may halo pa ring ginto.

"This is a wonderful gift. Uhm, thanks."

Tama ba na ganoon ang sinabi ko? Parang mali. Para sa kanila ay mahalaga ang hand cream na 'to, kung alam lang nila kung gaano karaming cream ang nauuso sa labas ng imperyo.

She smiled so sweet. Was that real? Alam kong hindi naman talaga nila gusto na makita ako. Lahat silang narito ay naghahangad din sa maiiwanang kapangyarihan ng ama ko. Ngayong sumulpot ako mula sa kung saan ay nagkakaroon naman sila ng bagong kakompitensya.

Hindi sila dapat mag-alala sa akin. Wala naman akong balak na makihati sa kanila sa mga kapangyarihan na hinahangad nila. Ang gusto ko lang na mangyari ay makita at makausap ang ama ko. Pero hindi ko pa siya magawang makausap nang maayos matapos niyang magpa-ayos ng isang piging.

REPLICA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon