33

60 2 0
                                    

REEN JHAME MAVINE


What is he doing?

Tumayo ako nang hindi inaalis ang pagkakatitig ko sa kaniya. "Baliw ka." Bigkas ko. "Tigilan mo ako." Dagdag ko pa habang unti-unti nang kumukunot ang noo ko dahil sa ngiti na sumisilay sa labi niya.

"Wala akong nakikitang mali roon. Dati na rin naman tayong mag-asawa, ah."

"Dahil iyon ang gusto ng magulang mo. Hindi ko naman gusto na pakasalan ka." Sagot ko naman sa kaniya kaya nawala ang mga ngiti niya.

"Sa mga panahon na magkasama tayo hindi ka man lang ba nagkagusto sa akin? Nahihiya ka ba na sabihin sa akin kung gusto mo ako?"

Napairap ako. Gusto ko siyang sakalin, saksakin, tadyakin, at balian ng buto. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa mga pinagsasabi niya. Parang gusto kong maduwal. "Nananaginip ka ba? I can't! You know I can't." Napasinghap ako.

"You can't? What do you mean? May pumipigil ba sa iyo na maging tayo?"

Argh! Nakakainis naman ang lalaki na ito. "There's a zero probability of me falling in love with you. You don't stand a chance for anything from me."

"Grabe ka naman. Nakakasakit ka na."

Hindi ako nagsalita. Inirapan ko siya kaya natawa siya. Nagsalin pa ulit siya ng inumin niya. "Uuwi na ako." Sambit ko.

Natigil siya sa pagsalin saka niya ako nilingon. Kumunot ang noo niya. "Ngayon na lang tayo ulit nagkita, iiwanan mo agad ako. Hinihintay ka ba ni Ruso?"

"And why do you care? If you want to know my story, go buy the book."

"What?"

"Wala." Sagot ko habang naiiritang kinukumpas ang palad ko. Tinalikuran ko na siya para pagbuksan ng pinto ang sarili ko.

"Hi, maam." Binati ako ng waiter na naghatid sa akin sa VIP room. "Mukhang bad mood po kayo."

"Yeah, indeed." Sagot ko na lang habang humahakbang papalayo. Hindi naman niya ako sinundan kaya naginhawaan ako roon.

Tama nga ako ng hinala.

Kilala ko nga siya. Siya pala ang dati kong asawa. Akala ko ay importanteng tao na ang makakausap ko. Gunggong lang pala.

"Taxi?" Huminto ang isang puting taxi sa harapan ko. "Saan ka, miss?"

"Uhm... Tres—!"

Halos mangilabot ang buong katawan ko nang maramdaman ko ang isang maliit at mainit na bagay na lumusong sa tagiliran ko! Saglit na umikot ang paningin ko bago ako makahuma.

"Holdap 'to, akin nang pera!"

Marahas na hinablot ng isang lalaki ang damit ko, sabay noon ang pagharurot ng taxi paalis para tumakas.

Umiling ako, "I don't have money..." bigkas ko. Ginamit ko ang palad ko para mapigilan ang pagdurugo ng sugat ko mula sa bala ng baril niya.

Tinutok niya iyon sa leeg ko. "Huwag mo akong gaguhin. Mamahalin iyang damit mo, hubarin mo iyan. Pati iyang sapatos mo at jacket. Bilis!" He tried to strangle me.

"No!" Pinwersa kong alisin ang braso niya sa leeg ko.

"Arggh!!"

Hindi niya nahulaan ang sunod kong ginawa sa kaniya kaya plumakda siya sa semento. Hindi ko siya pinansin. Bumaba ang tingin ko sa tagiliran ko. He shot me.

Humakbang ako ng ilang beses palayo sa kaniya. Pilit niyang inaabot ang baril niya na bumitaw kanina sa kamay niya.

"Rejhine?"

REPLICA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon