36

46 2 1
                                    

IGNACIO EL CAMINO

Isang malalim na paghinga ang binuga ko matapos kong maiabot sa kausap ko ang isang larawan. Kasunod niyon ay ang mga tanong na biglang sumulpot sa isipan ko. Do I really have to do this? But, what if I failed again and I regret it?

He sighed. "Down?" Nilahad niya ang palad sa akin at naghintay sa iaabot ko.

Bahagyang nanginginig ang kamay ko nang kunin ko ang isang maliit na envelope sa loob ng blazer na suot ko. Inabot ko iyon sa kaniya.

"Wala nang bawian, Don Ignacio."

Nakatitig ako sa mukha niya. Nagdadalawang-isip ako sa desisyon ko. Hindi ko alam kung ano ang papanigan ko, ang isip ko o ang hustisya. "I want that man dead." I said with gritted teeth.

Sinandal niya ang katawan niya sa upuan. "Kaibigan mo si Don Felix, hindi ba? Why would you want his son dead? Alam nating lahat na ang Rico na ito na lang ang natitira nilang anak."

"Hays, wala akong pakialam. He killed my only daugh-! I mean, he killed my daughter mercilessly. He must pay the price."

Sa tuwing binabanggit ko ang pangalan ng hayop na iyon ay bumabalik sa puso ko ang sakit at pangungulila ko sa unica hija ko. She's my only daughter and that's how easy he took her away from me!

"Kill him. I don't care anymore for consequences. Ngipin sa ngipin, mata sa mata."

"All right. Palagay ko naman ay seryoso ka na rito, hindi kita pipigilan."

Tumayo siya. Bago siya tuluyang umalis ay nilingon niya pa muna ako na para bang hinihintay na pigilan ko siya.

No.

Hindi ko babawiin ang ginawa ko.

Hindi naman nila malalaman na ako ang may gawa nito. Hindi naman malalaman kahit na nino na ako ang nagpapatay sa nag-iisa nilang anak. Wala na akong pakialam sa susunod na mangyari sa akin. I have nothing to lose.

--
REEN JHAME MAVINE

"You packed so many stuff."

Nilingon niya ako. "Para kay Fleur lahat nang iyan. Mainit sa lugar na iyon."

Nameywang ako habang pinagmamasdan ko ang malalaking bag na balak niyang dalhin paalis. Pero, wala naman talaga akong pakialam sa mga dala niya, ang importante ay ang makarating ako sa lugar na iyon.

"Ano nga ba ang binabalak mo, Mav? Sinabi ko na sa iyo na huwag kang gagawa ng bagay na ikapapahamak nating tatlo."

Did the clone of me really is planning something? Then, what could that be?

Kung sarili ko ang tatanungin ko... ano ang dahilan para magplano ako ng mga bagay na pwede kong ikapahamak maging ang mga tao sa paligid ko?

Maybe if someone want me dead. Wait, did someone wants her dead already? Hindi na ako magtataka kung may gusto na agad na patahimikin siya. I can go silent all day not them knowing I knew a thing.

"Ayos ka lang?" Pumitik ang daliri ni Rovin sa harapan ko kaya bumalik agad ang diwa ko. She looks concerned.

"Iniisip ko lang ang... sarili ko." Sagot ko sa kaniya kaya naman mabilis na natawa siya. "I mean... can I really rule a massive state? Isa lang naman akong ordinaryong tao."

"Dahil nga nilayo ka ng magulang mo kaya hindi mo nakalakihan ang pagiging tunay na ikaw."

She's right. Kung hindi ako nilayo ay baka doon ako lumaki at alam ko siguro kung paano maging magaling na lider.

"Huwag kang mag-alala, madali lang naman mamuno dahil may katuwang ka roon."

Sino naman?

"My father." Sambit ko. Hindi nagsalita si Rovin kaya nilingon ko siya. Iba naman ang paraan ng titig niya sa akin, tila naniningkit ang mga mata niya.

REPLICA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon