Hello, sorry. I've made a mistake. Hindi iyon King Sebastien… he is a Grand Duke.
--
MR. SAVANTEWhile checking on the profile of our new agents, I heard a loud thud from the inside of my recovery room.
Inalis ko sa mga mata ko ang salamin ko saka ako kumumpas para utusan ang assistant ko. "What was that noise? Check her."
“Opo.”
Kahit may inutusan na ako ay hindi naman ako mapakali kaya sumunod na rin ako. Mula sa pinto na bahagyang nakabukas ay sumilip ako.
I saw her. Naninibago pa siya sa liwanag na nagmumula sa mga ilaw na nakatutok sa kaniya.
"Sir, may malay na po ang project."
"Ask her name." Utos ko.
Humakbang ako para lumapit. Nakatitig siya sa kisame pero malikot ang mga mata niya. Parang nagugulumihanan siya.
“Tell me your name.”
Nilingon siya ng babae. Pero hindi siya maka-imik. Nanatili lang ang pagtitig niya sa assistant ko. Tila namamangha ito sa nakikita.
“Naiintindihan mo ba ako?” Tinanong niya ulit ito. “Ang pangalan mo ay…”
“Re…Rejhine.” She answered, finally. “Rejhine, that’s my… name. Nasa’n ako?”
Napangiti ako. Ang tagal kong naghintay sa kaniya na magising siya. Matagal ang ginugol ko para malaman kung siya nga ba ang unang perpektong proyekto na nagawa ko.
With the original’s dna, I was able to create a replica. With the same skills, way of thinking and even her voice.
She will help me.
REEN JHAME MAVINE
Hindi ko maiwasang malungkot sa nakikita ko. Hawak ko ang dokumento kung saan nakatala roon ang mga buhay na nawala dahil sa bwisit na kontaminasyon sa tubig.
“We’re here, Your Majesty.”
Tumango ako saka ko binigay sa kaniya ang hawak ko. Hindi na ako nagpatulong sa kaniya na bumaba mula sa karwahe na sinakyan namin, kaya ko naman humakbang.
Iyon nga ang dahilan kung bakit nagsabi ako na magaang damit ang ihanda nila sa akin para hindi ako mahirapang kumilos.
Kung sakaling may humoldap sa akin ay madali lang sa kin ang lumaban. May nanghoholdap ba rito?? Sana meron para makalaban naman ako kahit papaano, hindi iyong puro problema ng isang bansa ang iniisip ko.
I want some action!
Maghahanap ako ng away.
“This is the said town where the main source of their water was contaminated. The well of Amsterdam.”
Tumango naman ako. Tinuro niya sa akin ang isang malaki at mataas na tower. Saglit, balon ang sinabi niya, ah. Bakit tower ang nasa harapan ko?
“Is that the well?” Tanong ko sa kaniya.
“Your Majesty, no. That is the tower where knights used to stay to guard the town.”
Ahh, guardhouse.
Nagpatuloy ang paglalakad namin hanggang sa marating nga namin ang balon na hinahanap ko. Malaki siya. Hindi siya tung tipo na ordinaryong balon.
Kung susumahin, ang dayametro ng balon ay sampung yarda. Gano’n kalaki at kalawak ang balon.
This is their only source, but somehow… it was contaminted.
Sa tagal ng panahon na ito lang ang tanging pinagkukuhanan nila ng tubig… inumin, pangluto, panligo, o ano man… sa hindi malamang dahilan ay nagkaroon ng mitsa.
BINABASA MO ANG
REPLICA II
Mystery / ThrillerDetermined to uncover the truth behind her father's feelings and forge a connection with him, Rejhine sets out on a journey of self-discovery that leads her down a path of unexpected revelations and heart-wrenching truths. As she navigates the compl...