This man infront of her must be the one that Rovin was talking about. He quickly made a bow to respect the empress, "the Imperial Council want the presence of Your Majesty regarding the recent issue that the empire of Lantre created against Your Majesty."
As soon as those words sank deep in her, she decided to force a smile and tilted her head to Rovin beside her. "Anong sinasabi ng gunggong na 'to?"
Huminga nang malalim ang kaibigan niya bago siya umiling at lingunin ang tapat na kawal. "The empress will come, give Her Majesty the time to change." She uttered and bowed.
After the knight made his way out, Rejhine started to look around. The golden stuffs around he amuzed her so much that she couldn't believe it herself. "Totoo bang ginto ang mga ito?" Humawak siya sa isang frame ng painting na nakalapat sa makinig na pader.
Tumango naman si Rovin bilang tugon sa tanong niya. "Asset nila ang gems, diamonds, at ginto. Huwag mong kalilimutan iyon. Iyan din ang dahilan kung bakit may mga magtatangka sa buhay ng emperador ng bansa. Kaya mag-ingat ka."
"Is that a warning?"
"Instruction."
Hindi na lang niya pinansin ang kaibigan at nagpatuloy sa tahimik na pagmamasid. Kahit na gaano kayaman at kaganda ang lugar ay hindi niya makakalimutan ang dahilan kung bakit siya naparito. Lalo na ang isa pa… "nasaan ang anak ni Jaxie?"
"Baka inaalagaan ng handmaid."
Usually, that's what would happen if a royal baby is left.
Bahagyang naningkit ang mga mata ni Rejhine nang suyurin niya ng tingin ang iba pang bahagi ng kwarto. Halos lahat ng gamit ay gawa sa ginto at may mga dyamante.
Tumikhim siya at sumunod sa kaibigan na naglalakad, "gusto kong makita ang ama ko, 'yung emperor pero patay na pala siya. He died without even seeing me." Sambit nito sa mahina at malungkot na boses.
Humarap sa kaniya si Rovin. "He did not die not seeing you, he died without you seeing him."
Her eyes squinted a little bit as those words started to disperse inside her head. Tama nga naman ang sinabi ni Rovin, namatay ang ama niya nang hindi man lang niya ito nakita. Hindi man siya nakarating sa tamang pagkakataon, nagkaroon naman ng oras ang ama niya na makita siya sa pamamagitan ng isang clone.
Hindi niya na iyon dapat pang isipin, may iba pang mas mahalaga na dapat niyang intindihin ngayon. Ang Imperial Council.
Nais na ng mga ito na makita siya at makausap, pero tungkol saan naman?
"Handa ka na?" Rovin asked while she's fixing her gloves.
Kumurba ang labi niya bago siya nagsalita, "hindi ko alam kung ano ang kailangan nila sa akin. Siguro mas nararapat na hayaan natin ang impostor ang siyang magpunta roon."
"Sige, mauna na ako roon. Tinuro ko naman na sayo kung saan mo matatagpuan ang lugar. Pero, huwag ka munang magpapakita sa impostora mo."
"All right."
Pinagmasdan niya ang paghakbang ng kaibigan papalayo hanggang sa makalabas ito ng silid. Nang masiguro na niyang wala na ito ay mabilis siyang naghubad. Inalis niya ang lahat ng mga nakapatong na damit sa katawan niya.

BINABASA MO ANG
REPLICA II
Mystère / ThrillerDetermined to uncover the truth behind her father's feelings and forge a connection with him, Rejhine sets out on a journey of self-discovery that leads her down a path of unexpected revelations and heart-wrenching truths. As she navigates the compl...