31) Another Replica?!

91 3 0
                                        

VIRGUS

Kanina ko pa naririnig ang nakakatawang tunog na nanggagaling sa sikmura niya habang nagmamaneho siya ng kotse. Mukhang gutom na siya.

Malapit na kami sa San Diego kaya pwede na kaming huminto muna saglit para kumain bago kami muling bumyahe. "Let's eat."

"Yes!! Finally!"

Mabilis na nagbago ang ekspresyon ko nang walang anu-ano'y sumigaw siya. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya. Mabilis at saglit niya akong nilingon.

"Well, kanina pa ako nagugutom, señorita." Sagot niya sa akin habang sa kalsada nakatingin.

"Okay, diyan na tayo kumain." Tinuro ko ang isang maliit na shop na napansin ko sa unahan.

"That's a coffee shop."

Sa sinabi niya ay kusa akong napalingon ulit sa restaurant. The name is Coffee Meet. It sounds weird. "Yeah, pangalan lang iyan. Sure ako may pagkain pa rin diyan... saka huwag ka nang magreklamo, nagugutom ka na nga eh."

"All right, my princess."

Inirapan ko siya bago kami lumabas sa kotse niya. Nakaparada pa iyon malapit sa coffee shop. .

Nang makapasok kami ay agad siyang humanap ng mauupuan namin. It was near a window where I can see the dark clouds.

Ilang saglit pa ay mukha nang uulan dahil sa makulimlim na kalangitan. Ang mga tao sa loob ng coffee shop ay nakatutok sa mga cellphone nila, habang ang iba ay mayroong binabasang libro at dyaryo.

Pinaupo naman niya ako dahil siya na raw ang mag-oorder sa counter.

Minuto lang ang lumipas bago siya nakabalik sa akin. Dahan-dahan pa siyang naglalakad habang nakangisi na parang aso. "They only offer sandwiches and waffles."

"Okay."

I heard my phone rang before he could even speak so I tried to peak. It was a message from Savante. Napairap ako bigla. May kailangan na naman ito.

"What happened?" He suddenly asked.

Umiling ako. "Wala. It's just a friend. Gusto raw ako kausapin."

Ano naman kaya ang gusto nito ngayon? Pinutol ko na ang anumang ugnayan sa kaniya simula nang malaman kong wala na si Rico at isiwalat niya ang ukol sa ginawa nilang replicas.

"A friend? Sa ganitong oras ay may friend pa talaga na ginugulo ka."

"Hm."

"Baka naman may sasabihin sa iyo na importante o kaya ay itatanong."

I shrugged my shoulders off. "I don't know."

Isa lang naman ang gusto kong malaman ngayon. Kung saan ko matatagpuan ang replica ko. Kung ano na ang ginagawa niya. Sana naman ay hindi niya ilagay sa panganib ang imahe ko.

Sawa na akong maging masama. Pero hindi naman ako masama. I just did my job as I was told.

Umangat ang tingin ko nang mapansin ko na ang isang lalaki na naglalakad palapit sa amin. May dala siyang tray na mayroong dalawang tasa. Kape yata iyon. Siguro kape nga dahil iyon naman ang purpose ng shop na ito.

Alam kong gutom na ang lalaking kasama ko dahil maaga niya akong pinuntahan.

Pero bago pa mailapag ng waiter ang tray ay mabilis ang mga pangyayari na siyang gumulat sa aming dalawa ni Ruso. Napatayo ako nang bumuhos sa akin ang mainit na kape mula sa tasa.

Mabilis na gumawa ng ingay ang pangyayari na iyon kaya sa amin nakatutok ang atensyon ng mga tao.

"What the fuc—!"

REPLICA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon