Nagising ako sa isang malakas na tunog ng bell sa loob ng kwarto ko. Nakatulog ako kahit pinilit kong huwag makatulog. Marumi ang kwarto, walang unan at kumot. Ang meron lang ay kama na wala man lang sapin.
Ang lamig pa, mabuti na lang at mahaba ang suot kong dress. Maging ang manggas ay mahaba kaya hindi rin ako nag-aalala na makita nila ang peklat sa katawan ko.
Kinukuskos ko ang mga mata ko habang naglalakad papunta sa labas. Kailangan kong pagsilbihan ang baluktot na prinsipe na kasalukuyang nagbabakasyon sa kaharian ng ama ko.
Kulang ako sa tulog, pero tingin ko'y okay na iyon kaysa naman sa walang tulog.
Nakita ko agad ang prinsipe. What's his name again? Fredrick.
Napailing ako. "Doesn't matter." Lumihis ako ng daan para hindi niya ako makita. Mainit din ang dugo niya sa akin. Dahil ang tingin niya sa akin ay isang aalipin na tatanga-tanga.
"Celia, when are you going to cook breakfast for the prince?"
Umangat ang kilay ko. Ako ba ang kinakausap ng matandang babae na ito? "Uhm, I'm sorry. My head was aching so I had a hard time waking up early."
"That is not a reason. Go quick, cook breakfast before he gets mad again."
Nagmamadadali siyang hilahin ang braso ko papunta sa loob ng kusina. Malaki ang kusina at naroon din sa loob aang halos lahatg ng mga pampalasa, gulay, karne at kung anu-ano pa na ginagamit sa pagluluto.
"Remember, no garlic. He's allergic to garlic."
Parehas pa kaming may allergy sa bawang. Mukhang makakasundo ko siya sa pagkain. Sanay akong magluto na hindi gumagamit ng bawang, ang ilan kasi ay hindi sanay na walang bawang. Iyon kasi ang nagtatanggal ng lansa ng isang pagkain, minsan mabango siya sa pagkain kaya masarap pero bawal sa akin.
"Okay."
ROVIN
Wala na akong ibang nagawa sa tuwing walang tigil na umiiyak ang bata. Nakakayamot naman. "Okay, magtitimpla na ako. Sandali. Chill." Pagkausap ko sa baby na umiiyak. Hindi naman siya makakaintindi pa.
Nasaan na ba kasi si Mav? Dalawang linggo na siyang wala. Kailan siya babalik, o babalik pa ba siya? Baka naman may nangyari nang hindi maganda sa kaniya roon.
Kung alam ko lang kung saan ang lugar na iyon, pupuntahan ko siya para masiguro kong ayos lang siya.
Kumunot ang noo ko nang may marinig akong bumagsak! Mabilis akong tumakbo para silipin ang bata. Nakahiga pa rin naman siya sa crib niya, pero hindi na siya umiiyak.
Napailing ako. Baka naghahallucinate na ako. Akala ko ay nahulog siya, paano naman siya mahuhulog sa crib?
Nang matapos ko ang pagtitimpla ng gatas ay agad akong bumalik sa bata para padedein siya. She's very hungry. Mukhang hindi siya nabubusog.
Muli na naman akong nakarinig ng isang malakas na pagbagsak ng isang bagay! Unti unting muling kumunot ang noo ko habang lumilingon sa direksyon kung saan ko narinig ang tunog na iyon.
Ako lang ang nandito sa bahay bukod sa baby. Kaya sino ang mag-iingay na iyon bukod sa amin? May ibang tao.
Siniguro ko munang nakatulog ang baby bago ko siya iniwan. Tumayo ako nang dahan dahan. Humakbang ako nang tahimik at muling sinusundan ang tunog na muli kong naririnig.
Nang makarinig ako nang isang tunog ay napatingin ako sa kinatatakapan ng paa ko. Nasa kwarto ako ni Mav at ang tunog na naririnig ko ay nagmumula sa inaapakan ko.
Kung tama ang kutob ko, may tao sa ilalim ng kwarto niya. May basement ba rito?!
Mabilis akong umupo para hawakan ang sahig at pakinggan ang ingay na nagmumula sa loob. I can hear a man grunting!

BINABASA MO ANG
REPLICA II
Mystery / ThrillerDetermined to uncover the truth behind her father's feelings and forge a connection with him, Rejhine sets out on a journey of self-discovery that leads her down a path of unexpected revelations and heart-wrenching truths. As she navigates the compl...