REEN JHAME MAVINE
Pumeke ako ng isang ngiti matapos akong halikan sa pisngi ng ina ni Rico. Hindi nito maalis ang kapit niya sa braso ko habang naglalakad kami papasok sa malaking tahanan nila. Kahit naman gustuhin kong alisin ang kapit niya sa akin ay hindi ko iyon magagawa dahil masyado siyang mabait sa akin.
Kung sino pa ang hindi ko kamag-anak ay sila pa ang nakakakita ng halaga ko. Kahit papaano ay may halaga pa naman ako. Nasa kanila na lang iyon kung gaano kalaki iyon.
Pinaupo niya ako sa magarang sofa nila na mayroong makakapal na cover. Nakakahiyang marumihan dahil napakabongga ng kagamitan sa bahay niya. Nag-utos siya sa kasambahay ng maiinom at makakakain para raw sa akin. She even asked me what I want, I simply answered her, "just water."
"I'm very thankful, Mavi." Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "You saved my life again."
I didn't save her. Hindi ko naman papayagan na may mangyaring masama sa kaniya. Ang ginawa ko lang naman ay pinigilan ang posibleng mangyari bago pa iyon mangyari. I didn't save her.
"Sana lagi kang nasa tabi ko." She said while tapping the back of my hand. "Rico must be proud he has a wife like you."
Isang pekeng ngiti na naman ang pinakita ko sa kaniya. Hindi ba niya alam na ang anak niya ay tulad ko rin? Hindi ba siya nagtataka kung sino ang mga lalaking tumulong sa amin para linisin ang bangkay ng mga iyon?
"Well, it was me who's lucky to have him. He has a mother like you." While I don't.
Sumilay ang matamis na ngiti mula sa manipis at namumulang labi nito. "I understand that you're still mourning for losing a mother. I can be your mother."
Biglang pumasok sa isip ko ang biological mother ko. She cheated on her husband for the whole damn empire. She made out with my father's enemy and I can never forgive her for that.
Sigurado akong wala silang alam sa kung ano ang nangyari sa mga anak nila. Kung ano ang nangyari sa amin ni Samantha. She died without learning the truth, but that's fine. Okay nang ako lang ang nahihirapan sa katotohanang nalaman ko.
"Let's try this dessert I made, Mavi."
She, once again, held my hand and tried to make me eat the cake she baked. It's a cake that looks like a cheese, so maybe it's a cheese cake or something like that. Well, whatever. I don't like that kind of stuff.
Hindi ako nakapalag nang iangat niya ang kamay niyang may hawak na tinidor para ipasubo sa akin ang piraso ng tinapay roon. Napalunok ako. Tumingin ako sa mukha niya na nakangiti.
Gusto niyang matikman ko ang ginawa niyang cake at alam kong umaasa siya na matitikman ko iyon. Ngumanga ako at hinayaang pumasok sa bibig ko ang tinidor. Marahan kong nginuya at nilasahan aang tinapay ng cake.
It's fucking sweet!
Sigurado ba siya na cake ito? Hindi naman siguro niya naipagpalit ang asukal sa harina. Sana binawasan niya ang paglalagay ng ingredients na matatamis. Kawawa naman ang mayroong diabetes nito.
"How was it?"
Isang pekeng ngiti ang binigay ko sa kaniya habang tinitiis ko ang tamis na kumakalat sa bibig at dila ko. Nilunok ko pa iyon kahit gusto kong isuka ang tinapay. "Wow! I'm out of words. Sino pong nagturo sa inyo ng recipe na ito? This is ridic—amazing."
"You liked it?"
No. "Yes." Humihiling ako sa diyos na huwag niya akong bigyan ulit ng cake. Baka isuka ko na lang iyon at mapahiya kaming dalawa.
"I'm glad you liked it."
Parang kumikislap ang mga mata niya habang kumakain siya ng cake. Hindi na ako sumubok pa na kumain pa dahil hindi ko kaya ang sobrang tamis.
BINABASA MO ANG
REPLICA II
Misterio / SuspensoDetermined to uncover the truth behind her father's feelings and forge a connection with him, Rejhine sets out on a journey of self-discovery that leads her down a path of unexpected revelations and heart-wrenching truths. As she navigates the compl...