RUSO
"Magagawan mo ba ng paraan na mailabas ang dalawang bugok?" Tanong ko sa kinuha kong abogado. Sa tingin ko ay nasa mid-40's na ang edad niya.
Kumurba ang labi niya, tila nag-iisip. "Madali lang naman ang kaso ng mga tao mo."
Iyon pa lang ang sinasabi niya ay agad na aking humalakhak. "Good! You're the best. If you did that I'm going to give you a big reward, attorney."
"Hindi na kailangan, Ruso."
Muli akong tumawa nang malakas. "The best ka talaga, Attorney!"
REJHINE
"The emperor of Wess brought another letter for Your Majesty."
Mabilis akong napairap. Ano na naman kaya ang kailangan nito?! "Leave it on the table." Utos ko sa aking attendant.
Nilingon ko siya nang matapos niyang ilapag iyon sa table ko. Nakatayo lang siya sa harapan ko at hindi kumikilos. Nakatingin din siya sa ginagawa ko. "What do you want?"
Napalunok naman siya. "Y-Your Majesty... I'm afraid you have no idea about the rumors spreading inside the palace."
Kumunot naman ang noo ko. "Rumors?
Tumango siya. "The Imperial Council just announced by their posters outside the palace that the Empress is soon to be enthroned."
"What?!" Napatayo ako. "That won't happen." Bigkas ko.
RICO JEUSS MATTHEW
Binulsa ko ang kaliwang kamay ko habang ang mga mata ko ay diretsong nakatitig sa mukha ni Mr. Savante. "Alam kong tinuloy mo ang ginawa mo."
"Anong sinasabi mo, Rico?" May kunot sa noo niya.
"Huwag mo akong daanin sa pagmamaang-maangan mo. Alam kong kinopya mo ang baril na ginagamit ng asawa ko. Give it to me."
Lalong nalukot ang mukha niya. "Hindi ko tinuloy ang bagay na iyon."
"Don't try to fool me."
Tumitig din siya sa mukha ko saka siya humalukipkip. "Ano bang gusto mong gawin ko kung wala nga? Hindi ko nga tinuloy."
"Then, where's the original?"
Ilang segundo ang tinagal bago siya nakasagot. "Baka nasa replica na ginawa mo. Ikaw ang nagtuloy sa bagay na iyon, 'di ba?" Inangat niya ang kilay niya habang nakatitig sa akin ang mga mata niyang nasa likod ng salamin niya.
REEN JHAME MAVINE
Sauer's M17.
Marahan kong hinimas ang barrel ng hawak kong pistol. Hindi siya gaanong malaki hindi tulad ng anaconda ko noon, pero hindi naman ibig sabihin niyon ay hindi ko na ito magagamit.
"Small but terrible." Sambit ng matanda na nagpakilalang si Marion. Hinawakan niya ang baril saka niya pinakita sa akin ang night sight. "Malaking tulong ito, kaya nitong tamaan nang madali ang kahit anong gusto mong barilin.
"Well, you don't have to describe them to me. I'm already familiar with that." Inagaw ko sa kaniya ang baril saka ako ngumisi. "Civilian version?"
Tumango siya. "Tama ka. Pero hindi naman iyan naiiba sa military version, halos parehas lang sila."
Napatango-tango ako sa sinabi niya habang pinagmamasdang mabuti ang hawak ko. "Hintayin ko lang si Rovin tapos aalis na rin kami."
"Saan mo gagamitin ang bagay na iyan?" He asked suddenly while preparing the metal box of the pistol.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. I don't want another person to know why and what. I just want to buy a fucking gun and kill another. Well, this is really me and I can't let go of it.

BINABASA MO ANG
REPLICA II
Misterio / SuspensoDetermined to uncover the truth behind her father's feelings and forge a connection with him, Rejhine sets out on a journey of self-discovery that leads her down a path of unexpected revelations and heart-wrenching truths. As she navigates the compl...