REEN JHAME MAVINE
Marahan kong minulat ang mga mata ko dahil nararamdaman ko ang kirot sa ulo ko. Umalalay ako sa batok ko nang subukan kong lingunin ang paligid. Pamilyar sa akin ang lugar na ito. Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga.
What happened to me?
Sobrang sakit ng ulo ko, parang binibiyak at pinupukpok ng martilyo. Hindi ko pa gaanong maigalaw ang binti ko dahil sa pamamanhid. Ang lugar na ito ay pamilyar sa akin dahil ito ang bahay ni Rico. Ito ang kwarto ko. Narito pa ang lahat ng gamit ko at hindi nagbabago ang ayos.
Inalis ko ang kumot na nakabalot sa hita ko. Kahit hindi ko ramdam ang mga binti ko ay pinilit kong tumayo. Mabilis akong humawak sa isang dressing table nang muntik na akong mawalan ng balanse.
Nahagip ng mata ko ang malaking salamin na naging dahilan para mapagmasdan ko ang katawan ko. I'm wearing an spaghetti shirt and that made me see my skin. Humawak ako sa nakikita ko. Ang mga peklat ko. Mga marka na nagmula sa pagpapahirap sa akin. Narito ulit sa katawan ko!
Nagmadali akong kumapa sa batok ko kung saan naroon ang marka na binigay sa akin. Hindi ako masaya dahil nahawakan ko iyon, masaya ako dahil ito nga ang tunay na ako at ang katawan ko. Anong nangyari? Paano bumalik ito?
Napaatras ako dahil biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Walang emosyon ang mga mata niya nang magtagpo ang tingin namin. Pinagmasdan niya lang ako mula ulo at pababa. "How are you feeling?"
Kumunot ang noo ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Bukod sa masakit ang ulo ko at namamanhid pa rin ang binti ko ay wala na akong ibang nararamdaman pa. "Wh-What happened?"
"Hindi mo maalala?" Lumapit siya sa akin at nilapat ang palad niya sa noo ko at sa aking leeg. The warmth from his palm made me feel that I'm sure this is real. "Buti naman at bumaba na ang temperatura ng katawan mo."
"What do you mean?"
Tumingin siya sa mga mata ko habang hinahawi niya ang buhok ko papunta sa likod ng tainga ko. "I'm so fucking worried to you. Napakataas ng lagnat mo."
Napailing ako sa sinabi niya. "Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko sa kaniya. "What about the bomb?" Tukoy ko sa naganap na pagsabog ng bomba kanina.
Kumunot ang noo niya. Tila nagtataka siya sa mga sinasabi ko. "Anong bomba?"
Hindi ako nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Paanong hindi niya alam ang sinasabi ko, kasama ko siya nang mangyari iyon. Was it just another dream?
"Maupo ka nga muna." Inalalayan niya ako sa pag-upo sa kama. Humawak siya sa magkabilang braso ko. "Things are fine now that you're awake. You're comatosed for almost two weeks. Sixteen days to be exact."
"Ano?" Mabilis na tanong ko sa kaniya. "Hindi ko maintindihan. Ano ba talaga ang nangyayari?"
Tumango-tango siya habang hinahagod ang likod ko. "Ikaw ang hindi ko maintindihan. Ano ba ang pinagsasabi mo?"
"Nevermind."
Pinili ko na lang na huwag sabihin sa kaniya. Kung hindi niya ako maintindihan, walang saysay kung isasalaysay ko pa sa kaniya ang gumugulo sa utak ko.
Ang mahalaga ngayon ay alam ko nang totoo na ito. This is my body, I'm at my room and he's here. Iyon lang ang mahalaga at wala nang iba. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako makakatagal sa ganoong klaseng mundo. Siguro ay gawa lang iyon ng imahinasyon ko kahit alam kong ramdam kong totoo ang lahat sa paligid ko.
"Good news."
Umangat ang tingin ko sa kaniya nang magsalita siya. Nakangiti siya habang ngumunguya. "What?" Tanong ko sa kaniya. Nilapag ko ang tinidor na hawak ko.
BINABASA MO ANG
REPLICA II
Mystery / ThrillerDetermined to uncover the truth behind her father's feelings and forge a connection with him, Rejhine sets out on a journey of self-discovery that leads her down a path of unexpected revelations and heart-wrenching truths. As she navigates the compl...