30) Diplomatic Relations

93 2 0
                                    

VIRGUS

Hindi ko maiwanan ang ama ko dahil nangangamba ako sa kung ano ang gawin niya kapag mag-isa na lang siya.

"Bakit isa lang ang El Camino Wine sa wine cellar?"

Nilapag ko ang wineglass sa mesa nang makalapit ako sa kaniya. Nilingon niya ako. "Sinadya ko na magtira ng isa."

"Bakit?"

Umiling naman siya.

Napansin ko naman sa ilalim ng braso niya ang picture frame ni Jaxie nang iangat niya nang bahagya ang braso niya. "That bottle was the first wine that you bottled and I want to keep it."

"Well, then the wine must be fourteen years old." Wika ko habang hinihila ko ang isang upuan na kaharap niya.

Tumingin ako sa kaniya.

Hindi kami kailanman nagkaroon ng pag-uusap na maayos at payapa. Laging may away sa pagitan namin mula pa nang bata ako. At sa huli ay nagsisigawan na kami na siyang nagbibigay ng ingay sa buong bahay.

"I want to tell you something..." bigkas ko. Nilingon naman niya ako nang may kunot sa noo niya.

"Ano na naman iyan?"

Wala pa nga akong sinasabi, naiirita na agad siya. "Well, thi—!"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang mabilis akong mapahawak sa dibdib ko! Kakaiba ang nararamdaman kong sakit na halos hindi ako makahinga kaya tumayo ako agad at naghabol ng hangin.

"Rejhine?" Tumayo rin siya at humawak sa balikat ko. "Anong nangyayari?!"

I can't breathe!

Hindi ko iyon mabigkas kaya humawak na lang ako sa leeg ko para ibigay ang senyales sa kaniya. Napapikit ako!

May kung anong bagay akong naramdaman na gumuhit sa didib ko. Tila isang punyal na hinihiwa ako!

"Anong nangyayari?!"

"Aggghh!"

Natumba ako dahil sa malakas na sampal niya sa akin. Napapikit ako at sabay noon ang mga larawan sa utak ko na tila nagpapahiwatig.

Tumitig ako sa kaniya nang masama. Bago pa ako magalit ay kumalma ako dahil nakakahinga na ulit ako nang maayos.

Akala ko ay mamamatay na ako. Pero, bakit lagi akong nakakaramdam nang ganoon?

"Okay ka na ba?" He asked.

Tumayo ako, "you fucking slapped me." Inayos ko ang damit ko. "I'm fine."

"Ayos ka lang ba? Para kang inaatake sa puso."

Hindi ako sumagot. Natulala lang ako sa isang banda nang maalala ko ang usapan namin noon ni papa.

Yeah, he already told me about what and who I am. My father is an emperor. And I refused to go.

Nangako pa ako noon kay Rico na kahit kailan ay hindi ako magpapakita sa kaniya. Ipagkakait ko sa kaniya ang bagay na una pa lang ay pinagkait niya   sa akin.

"Why would you think that will go and see my father emperor?" Bigla ay tanong ko sa kaniya kaya muli na naman siyang nagtaka.

"Anong pinagsasabi mo? Naalala mo na ang tungkol diyan?"

Lumapit ako sa kaniya. "I told you... kahit kailan ay hindi ako magpapakita sa tao na iyon."

"Ginugulo mo ang utak ko."

"Yung taong nakausap mo ay hindi ako." Sambit ko. "It was a replica of me that Rico made."

His eyes squinted. Ilang segundo lang bago siya natawa. "Okay, kumain ka nga muna. Ilang araw ka na bang hindi kumakain ng mainit na kanin?"

REPLICA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon