22

147 2 0
                                    


Pwede ko ba silang turuan ng Tagalog? Para kahit papaano ay hindi ako mahirapan na kausapin sila. Kahit marunong akong mag-English, iba pa rin ang lengguwahe na kinagisnan ko.

Umupo ako sa upuan sa loob ng throne room kung saan ko pinahanda ang mga sampol ng mga pagkain. Nakalagay sila sa isang mesa na nasa harapan ko habang ang mga noble person ay narito rin at balak panoorin ang mangyayari.

"Report what happened to those affected in that disease you're talking about."

Tumango siya. "We isolated them as Your Majesty said. They're complaining that they're having stomaches and dizziness. We concluded that this is because of the food and supplies came from Garneia Kingdom."

Gano'n ba iyon?

Ano ba ang dapat na maging sintomas kapag may nakahahawang sakit... stomaches? Kakaiba naman. Nakakahawa ba ang pananakit ng sikmura? Ngayon ko lang nalaman iyon, ah.

Hindi ako nagsalita.

Tumayo ako at lumapit sa mesa. Pinagmasdan ko ang mga pagkain na nanggaling pa sa Garneia. Lahat ng pagkain na kinakain ng pitong kaharian ay nagmumula sa Garneia. Una, iyon ay dahil sagana sila sa mga suplay. Pangalawa, malawak ang lupain na pinagtatamanan nila at maganda ang lupa para sa pagtatanim.

Nilingon ko ang Marquess na siyang nagreport sa akin ng insidente. "Do you have a silver spoon on you by chance?"

"A silver... s-spoon? Why do you need a silver spoon, Your Majesty??"

Tinanong ko siya, tapos ang sagot niya ay tanong din. Hays, sumakit yata ang ulo ko.

"I have a silver knife."

Umangat ang kilay ko nang magsalita ang dating kanang-kamay ng ama ko na ngayon ay kanang-kamay ko na. His position didn't change, I need him by my side. Kahit hindi siya gaanong nagsasalita ay alam kong nasa akin ang katapatan niya mula noon hanggang ngayon.

Nilahad ko ang palad ko, doon niya pinatong ang maliit na kutsilyong gawa nga sa silver.

Mabilis akong humarap sa mga pagkain at inalis ang mga takip noon. Para malaman kung may lason nga ang mga pagkain, makakatulong ang silver.

Nilubog ko ang kutsilyo sa isang malalim na plato kung saan mayroon iyong malapot na sabaw at gulay. Ilang segundo kong hinayaan na nakalubog doon ang kutsilyo bago ko iyon inangat.

Pinagmasdan ko nang maigi ang kutsilyo.

"Your Majesty... the knife... nothing has changed."

Napairap ako pero mabilis lang iyon saka ako lumingon sa kanilang lahat. Pinatong ko sa mesa ang kutsilyo para damputin ang kutsarita. Kumuha ako ng kaunting sabaw saka ko iyon mabilis na tinikman.

"Your Majesty!!"

"Don't do that!"

Hay nako, ang oa naman ng mga tao rito. Ganito ba talaga sila dapat magreact sa mga bagay na nakikita nila?!

Inangat ko ang palad ko nang akmang lalapit sa akin ang marquess. "These food are fine. Nothing is suspicious so stop the rumor that would go against the Garneia. That Kingdom sacrificed too much for our food and crops, this is not the best way to pay them."

Napanganga sila. Parang hinihintay pa nila na may mangyari sa akin. Walang mangyayari dahil walang kakaiba sa mga pagkain. Kung may lason man iyon, dapat ay nagbago na ang anyo ng kutsilyo kanina pero hindi.

Ang sunod na kailangan naming malaman ay kung ano ang tunay na pinagmumulan ng sakit ng mga tao sa Amsterdam. Was it natural or manmade?

"I need to send a letter for the Grand Duke of Garneia, please accomodate me."

REPLICA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon