REEN JHAME MAVINE
I watched how they brought him to the hospital after I called for help. Hindi ko maintindihan kung bakit tumawag pa ako ng ambulansya para sa kaniya. Hinayaan ko na lang sana siyang mamatay.
"Rejhine!"
He shouted my name before they closed the door of the ambulance car. Napairap lang ako saka ako sumakay sa kotse ni Savante. Agad siyang may inabot na papel sa akin.
"Iyan ang lokasyon ngayon ni Ruso. Ngayon ay pwede tayong mag-utos para dakpin siya. Sabihin mo ang suhestyon mo."
Tumitig ako sa papel. Ruso Olezka. He smuggled firearms, drugs, and even women. Nagtayo siya ng malaking sugalan sa Vietnam at Singapore kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusugal. Kasama niya sa ganitong kalokohan si Jake.
I thought he changed for good. The last time we talked, he said he's not doing aything bad or illegal anymore. It seemed to me that he really had change. But, it's fucking fake.
"Ruso and Rico are connected." I mumbled. "Kapag nalaman ni Ruso ang nangyari kay Rico… mabilis na aaksyon ito para tumakas. I'll go talk to this man. Alone."
"Huh?!" Mabilis na nagpreno siya kaya sumubsob ang mukha ko sa kaharap kong upuan. "Oops, sorry."
Napairap naman ako. "Reckless driving resulting to damage of my face." Bigkas ko habang hinahawi ang buhok na nasa pisngi ko. Narinig ko ang mapaklang pagtawa niya habang nagpapatuloy sa pagmamaneho.
"Mabuti at mayroon kang kaibigan na alam ang bagay na ito."
Si Rovin ang tinutukoy niya. Nang sabihin sa akin ni Rovin iyon ay pumunta kami sa bahay ni Savante para pag-usapan ang bagay na iyon. Matagal na rin pa lang may ibang nararamdaman na kakaiba ang matandang ito kay Rico.
"Tatapusin ko lang ang lahat bago ako umalis." Wika ko na naging dahilan para sumilip siya sa rear mirror.
Kumunot ang noo niya nang magtama ang tingin naming dalawa. "Babalik ka sa China?" He asked finally.
I shook my head. "My father needs me." Huli na para bawiin ko ang sinabi ko. Hindi pala niya alam na hindi ko tunay na ama ang mayor na nakakulong ngayon. What a stupid mouth.
"Gano'n ba." He commented. "Pinagsisihan na niya ang mga bagay na nagawa niya."
"Yeah." Sagot ko na lang para hindi na siya magtanong kung sino ang tinutukoy kong ama.
Ang sabi sa akin ng ama-amahan ko ay babalik ang mga tauhan ng tunay kong ama para sunduin ako kung sakali man na may desisyon na ako. Akala ko ay sa pelikula lang nangyayari ang ganito.
An empress?
Too much for me. Ano lang ba ako? Isa akong kriminal.
Nahilot ko ang sentido ko habang iniisip ko ang magiging hitsura ko kung sakali man na hirangin nila ako bilang isang pinuno. Hindi sila papayag na ang mamumuno sa kanila ay isang babae at kriminal pa.
Alam kong maraming magtatangka na alamin ang nakaraan ko para hindi ako maging isang pinuno. Hays. Hindi ko rin naman gusto iyon.
Sabay naming pinasok ang kwarto ni Xantal. She's awake but can't talk. Hindi ko alam kung bakit hindi siya makapagsalita. Hindi naman putol ang dila niya.
As soon as she saw me, her face started to bloom. She smiled even when her lips are trembling. Nilapitan ko siya para tignan ang kamay niyang pilit niyang inaangat.
Muli siyang nakipag-usap sa akin sa pamamagitan ng sign language. Mabilis na ang mga daliri niya sa pagbuo ng letra kaya mabilis kong nabasa ang gusto niyang iparating.
BINABASA MO ANG
REPLICA II
Mystery / ThrillerDetermined to uncover the truth behind her father's feelings and forge a connection with him, Rejhine sets out on a journey of self-discovery that leads her down a path of unexpected revelations and heart-wrenching truths. As she navigates the compl...