9) Kill Me, Heal Me.

141 2 2
                                        

RICO JEUSS MATTHEW

Sakto lang ang pag-uwi ko sa bahay, naabutan ko siyang kumakain nang mag-isa habang may binabasang dyaryo. Sa palagay ko ay kanina pa ang dyaryo na iyon.

Marahan akong naglakad. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya. Hindi niya pa ako nakikita pero pakiramdam ko ay alam na niyang nandito ako o hindi? Kinakabahan ako.

"Gising ka pa." Sambit ko nang makalapit ako sa kaniya. Niluwagan ko ang suot kong kurbata habang ang mga mata ko ay sa kaniya lang nakapako.

"Hm. Nagbabasa ako ng dyaryo. Mga batang nawawala na naman." Sagot niya.

Siya ba talaga ang babaeng nakita ko sa larawan na iyon? Siya ba ang sumira ng lahat ng pinaghirapan namin?

Nilapag niya ang dyaryo. Tumayo siya at naglabas ng isang plato na mula sa loob ng oven. "Buti may tinabi ako." Gusto niya akong pakainin. Napatingin ako roon. Mukhang masarap.

No. Baka may lason iyon. Hindi ako pwedeng basta na lang na kumain ng pagkain na hindi ko alam kung paano ginawa.

Ngayon ay nararamdaman ko na ang nararamdaman ni Rejhine sa tuwing may pagkain sa harapan niya na hindi niya alam paano niluto.

"Hindi iyan gagalaw mag-isa, kumain ka na." Pukaw niya sa akin sabay nang pagpitik ng daliri niya. "May balita ka na ba sa Leonardo na iyon?"

You killed him.

"Ahm… wala pa." Sagot ko na lang. Umupo ako sa mataas na upuan at humawak sa kutsara. Kakainin ko ba ito?

May kinuha siyang baso at nagsalin roon ng tubig. Sunod na ginawa niya ay nagsalin ng wine sa wineglass. Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang bawat kilos niya.

Is she trying to poison me?

"Tubig o wine?" She asked me. Baka isa diyan ay may lason at kapag nagkamali ako ng mapili ay buhay ang maging kapalit. She's really tricky.

"Ah… coffee." Sagot ko. Wala siyang sinabi. Agad siyang kumilos para gumawa ng kape. Pinanood ko ang mga kilos niya, baka may ilagay siya na hindi dapat.

Rejhine, don't play games with me.

"Your mom called me. Okay na raw ang imbestigasyon. Wala siyang kasalanan, hahanapin pa rin ang may sala."

Napatango ako.

Pinatong niya ang tasa sa mesa. Napatitig ako roon. Wala naman siyang nilagay, pinanood ko siya. Pero baka ang coffee grains ay may ibang kasama! Hindi ko iyan iinumin.

What is she doing to me?!

Nagiging praning ako. Wala pa siyang ginagawa pero natatakot na ako sa posibleng mangyari. Ang kaba sa dibdib ko ay lalong lumalaki. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya ngayon.

"Kumain ka na, baka lumamig, hindi masarap."

"Okay." I heaved a sigh. Nanginginig ang kamay ko nang damputin ko ang tinidor. "A-Ano ang luto na ito?" Tanong ko habang kinakalikot ang pagkain. Baka may makita akong kung ano.

Umupo siya sa isang bakanteng upuan. "Ano pa ba ang dapat ilagay sa sinigang na bangus? Umaasa ka ba na may potassium cyanide iyan?"

Tila nanigas ang mga kamay ko mula sa paghihimay ng isda. Potassium cyanide, a poison. Nilingon ko siya. "What?"

She smiled. "Why are you so tense? I decided to cook fish… masyado na kasing matagal mula nang makatikim ako ng bangus. Try it, that's fantastic. Malilimutan mo lahat kapag natikman mo iyan."

"W-What?"

I know. Right now I look completely flummoxed. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o nagbabanta. Ano ba ang nasa isip mo, Rejhine? Hindi ako pwedeng mahulog lang nang ganito kabilis sa patibong niya.

REPLICA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon