12) The Replica

161 3 0
                                    

REEN JHAME MAVINE

Nanginginig ang kamay ko habang nakatitig ako sa kawalan. She was raped. Hindi lang iyon… alam din ng ama niya ang nangyayari pero wala itong ginawa para iligtas siya at protektahan.

"Pwede ko bang arestuhin ang lalaking ito?" Nilingon ko si Savante. Tumango naman siya. Mukhang nagtitiwala talaga siya sa akin.

"Wala akong arrest warrant. Kailangan ko iyon para maaresto ko siya." Bulong ko sa kaniya para hindi marinig ni Xantal.

"You don't need one." Sumenyas siya sa akin na sundan ko siya sa labas kaya sinundan ko siya. Sinara niya ang pinto bago magsalita. "Hindi mo kailangan ng warrant, sino ka ba? Hindi ka pulis. Hindi tayo saklaw ng gobyerno. Pero, isusurrender natin ang dumadaan sa palad natin."

May inabot siya sa akin. Isang ID. Hindi ko alam kung ilang linggo na akong nagtatrabaho rito pero ngayon niya lang ako binigyan ng ID. Ang ibig sabihin ba nito ay nagtitiwala siya sa akin? Hindi na spy ang tingin niya sa akin.

"You can use that."

"Ngayon ay darating ang mga kaibigan niya na sigurado akong may kasalanan din kay Xantal. I'll make sure I'll handle them with pure care."

Isang ngisi ang sumilay sa labi ko. Napailing na lang si Savante.

--
RICO JEUSS MATTHEW

Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto ko hanggang sa mapahinto ako sa wedding picture namin ni Rejhine. Kumurba ang kilay ko nang makaramdam ako ng kirot sa puso ko.

Why do you have to get in my way, Rejhine?

Nangako ako sayo na poprotektahan kita at hindi ko hahayaan na saktan ka nila. Mahal kita. Mula noon hanggang kahapon.

Hindi na pagmamahal ang nararamdaman ko sayo. Sa bawat araw na nagdaraan na hindi kita nakikita at kamalasan ang binibigay mo sa akin, nawala na ang pagmamahal ko sayo. You hated me and I loved you. Now, I hate you for everything about you.

Bakit hindi ka na lang nagpatuloy sa pagiging assassin at miyembro ng Tang Organization?! I will make sure that your life will be ruined.

Bumaba ang tingin ko sa hawak kong cellphone. Someone is calling me. My mother. Alam ko na ang sasabihin niya. Tatanungin na naman niya ako kung kailan ko balak magpakatino at maging seryoso sa buhay.

Sinira ko ang pamilya ko. Hindi ako ang sumira sa kanila. It was all because of Rejhine. Kung hindi siya bumalik dito, hindi ko siya makikilala, hindi kami ikakasal at hindi mangyayari ang lahat!

Mula pa man noon ay siya na ang dahilan kung bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko. Highschool pa lang, siya ang sumira sa akin sa parents ko. How dare she counterclaim my statements?!

It's her fucking fault. Kasalanan niya kung bakit ko siya laging inaaway. Siya ang may kasalanan. She was so fucking annoying and every man is into her. Ano bang meron siya?!

"Mom, what?!"

"Rico, don't do this to yourself."

I clenched my fist. "You don't understand me so shut up. Hindi mo ako kilala. Matagal kang nawala, right? Pabalik-balik ka sa ibang bansa. You don't know what happened to your son."

I heard her sniffed. "It's my fault why you're being like these. Kinausap ako ng asawa mo. She came with a news saying that she wants to end your marriage."

Alam ko.

"Rico… you know how much I love your wife. Please, don't lose her. She can help you change. Just let her do whatever she wants."

REPLICA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon