REJHINE
Iba ang pakiramdam ko sa mga tao sa lugar na ito. Mukhang nagsisimula nang uminit ang mga mata nila laban sa akin simula nang papasukin ko sa teritoryo nila ang emperor na si Sid. Wala namang masama roon, ah?!
Hindi ko naman hinayaan na may makuhang balita ang Sid na iyon mula rito. Hindi naman ako pumayag sa gusto niya na magkaroon ng magandang relasyon ang dalawang imperyo. Kung gagawin ko iyon ay siguradong maraming tututol sa akin. Lalo na ang nakakataas sa konseho.
Hindi man nila sabihin sa akin... pero alam kong ayaw nila sa akin bilang kung ano ako. Kung tatagal ang ganoong nararamdaman nila sa akin, hindi malayong gumawa sila ng paraan para mapatalsik ako.
Gagawa rin ako ng hakbang laban sa kanila.
Napahinto ako sa paglalakad sa loob ng malawak na silid na tinutuluyan ko nang mapansin ko ang isang kahon. Nakabalot siya sa magarang tela na kulay berde.
Ngayon ko lang napansin ang bagay na ito. Mukha siyang regalo dahil nakabalot siya sa magandang tela.
"Your Majesty!"
Bubuksan ko pa lang sana ang kahon pero hindi ko iyon natuloy dahil biglang pumasok si Lord Keiser. Nang makita ko siya ay nagmamadali siyang naglalakad palapit sa akin.
Nagtataka naman ako kung bakit. Bakas pa ang pawis niya sa kaniyang noo. "W-Wha—?" Napaigtad ako nang agawin niya mula sa mga kamay ko ang hawak ko.
Masama ang tingin niya roon bago niya ako nilingon. "Pardon, Your Majesty. But, this thing didn't undergo a proper process of checking before you."
Process of checking? Huh?
"What do you mean?" Nakakunot ang noo ko. Gusto kong malaman kung ano ang nasa loob ng kahon.
Imposible naman na hindi pa iyan na-tsek kung nakarating na siya sa akin. Saka ano pa ba ang dapat nilang suriin sa bagay na iyan? Balak pa ba nilang buksan ang regalo bago ako?!
"It is for Your Majesty's safety. History has it that almost all of your ancestors were almost consumed a poison, killed by an explosion material, smoked until they couldn't breathe, and or threatened with their own health issues called allergy."
Nakanganga ang bibig ko habang nakatingin ako sa kaniya. Uso rin pala rito ang surprises.
"Uhm..., okay."
VIRGUS
Hindi tumuloy ang ulan.
Mabilis na nagbago ang panahon. Kanina ay makulimlim lang, pagkaraan ng ilang minuto ay nagpakita naman ang araw.
Tinahak ko ang daan pabalik sa coffee shop. May ilan sa mga customer ang napatingin sa akin. Siguro ay bahagyang nagtaka kung bakit bumalik pa ako matapos ang insidente.
I just want something.
Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng lugar para makita siya pero hindi ko na siya nakita ulit.
Umalis na kaya siya?
"Hi, ma'am. Good afternoon." Isang waiter ang kumaway sa akin. Lumapit siya. "Let me lead you to the VIP room." Nilahad nito ang palad niya.
Bahagyang kumunot ang noo, sakto lang na hindi niya mahahalata. "Ah, you're wrong. I'm not a VIP. I'm just... I'm... I'm leaving." Sagot ko rito habang siya ay nakangiti lang sa akin kahit alam niyang nahirapan akong hanapin ang isasagot ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/349233249-288-k690993.jpg)
BINABASA MO ANG
REPLICA II
Mystery / ThrillerDetermined to uncover the truth behind her father's feelings and forge a connection with him, Rejhine sets out on a journey of self-discovery that leads her down a path of unexpected revelations and heart-wrenching truths. As she navigates the compl...