4) First Mission Together

192 6 2
                                    

RICO JEUSS MATTHEW

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Wala naman akong dapat na isipin pang iba. Naibalik ko na kay Rejhine ang dalawang baril niya. Natapos na nilang pag-aralan at kopyahin ang model ng revolver. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nila para gawin iyon.

Nagtanong lang naman ako kay Mr. Savante tungkol sa uri ng bala na ginagamit niya sa revolver niya, sinabihan niya akong dalhin ko iyon sa agency kaya kinailangan ko pang ipuslit iyon at patulugin nang mahimbing ang asawa ko.

Nahilot ko ang sentido ko nang maalala ko ang ginawa ko sa kaniya. She's hallucinating and even told me that she's seeing her twin sister. Naaawa ako sa kaniya pero nagawa ko pa talaga siyang paglaruan nang sabihin kong na-comatose siya. I can't. Alam kong magagalit talaga siya sa ginawa ko kaya sana hindi niya iyon malaman.

Pinaikot ko ang swivel chair na kinauupuan ko hanggang sa pag-ikot ko ay humawak roon ang isang kamay kaya huminto iyon. Nagtataka pa ako kung sino siya dahil ngayon ko lang nakita ang kamay na iyon. She's wearing a hoodie and a mask that covers her face.

"Everyone, I want to make an announcement." Mr. Savante started to talk. Katabi niya ang babaeng nakasuot ng hoodie. "I am officially declaring that this woman beside me is joining our team."

"What?!" Agad akong umangal sa sinabi niya. "Hindi pwede ang babae rito, di ba? We have that rule." Dagdag ko pa.

Nilingon ako ni Mr. Savante maging ang babaeng katabi niya na nakasuot pa talaga ng hoodie. Lamigin siguro siya kaya nakasuot siya ng jacket. Nakasuot din ng mask, pangit ba siya?!

"I know. Simula din ngayon ay pinapayagan ko na ang pagkakaroon ng babae sa grupo na ito, basta isa lang at iyon ay ang babaeng katabi ko."

Napangiwi ako. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. May katangkaran din siya at sexy pa. Pero, hindi ko gusto ang magkaroon ng katrabahong babae.

Baka magselos ang asawa ko.

Hindi naman yata magseselos iyon.

"Sana ay pakisamahan niyo nang maayos ang bago niyong katrabaho." Anang Mr. Savante.

"Sino naman ang magiging partner niya? Huwag ako, ah." Sabat ko.

"Ang totoo nito ay ikaw ang gustong maging kapareha ng ating bagong miyembro. Alam niyang mahusay ka sa trabaho at gusto ka niyang maging sunod-sunura–I mean sumunod sayo."

Kumunot ang noo ko. "No way! Kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng partner. Hindi ito rush hour ni Jackie Chan, hindi ko kailangan ng apprentice."

Naiiling naman si Mr. Savante.

"Kung ayaw mo sa kaniya, Rico, sa akin na lang. Mukhang chikabeybs, eh."

Nilingon ko ang isa naming kasama na si Jacob. Tinignan ko siya nang masama kaya naitikom niya ang bunganga niya.

"Gusto mong magkaroon ng saysay iyang ID mo? Isasakal ko iyan sa leeg mo." Wika ko rito kaya inikot niya ang upuan niya at nagkunwaring may tinitipa sa sariling monitor.

Bumalik naman ang tingin ko kay Mr. Savante at sa babaeng kasama niya. Paano naman kaya niya napapayag si Mr. Savante sa gusto nito na pumasok sa amin. At ito namang si Mr. Savante ay pumayag din! Hindi kaya ay mayroon silang relasyon?

Imposible.

Pamilyadong tao na ang matandang ito kaya hindi niya magagawa iyon lalo pa at tapat siya sa asawa niya.

"Huwag kayong mag-alala dahil mahusay siya sa lahat. Hayaan niyo akong ipakilala sa inyo kung sino ang ating bagong miyembro."

Pagkasabi niya noon ay hinubad ng babae ang hoodie nito at ang suot na mask.

REPLICA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon