13) Dinner Date

132 2 0
                                    

REEN JHAME MAVINE

Pinilit pa niyang sunduin ako para lang sabay kaming makapunta sa restaurant na napili niya. Inangat ko ang braso ko para lingunin ang oras, sakto naman na may isang magarang sasakyan ang huminto sa harapan ko.

Napangisi ako nang bumaba ang bintana niyon at isang nakangiting mukha ang bumungad sa akin. Si Ruso. Nakasuot siya ng white tux and black bow tie. Anong meron? May kasal ba siyang dapat puntahan at balak niya akong isama? Gabi na, walang kasal, baka reception.

Bumaba siya sa sasakyan niya. Lumapit siya sa akin at inabot niya ang hawak niyang malaking bouquet ng makukulay at matitingkad na bulaklak. "A flower for a gorgeous lady tonight." He said.

Nakikita niya ba kung ano ang hitsura ko ngayon? I'm wearing a leather jacket as usual and my tactical pants. I never wear dress, except for that wedding of mine.

Tinanggap ko na lang ang bulaklak na binibigay niya sa akin. "May bulaklak pa talaga." Bulong ko rito.

"Of course, ang mga babaeng katulad mo ay dapat na tinuturing na reyna."

Okay. What's the meaning of that? I can't seem to comprehend. "Salamat. Okay lang ba na ganito ang suot ko? Mukhang bibisita ka ng kasal, e." Komento ko.

"Aww, you don't have to worry about your attire. I made sure of everything to be perfect tonight. Sa loob ka na magbihis." Tinuro niya ang sasakyan niya.

"Sa loob?" Pag-ulit ko sa sinabi niya.

"Don't worry, sweetheart. The limo has its partition, so you can wear your dress inside." Sagot naman niya kaya gumaan naman ang loob ko.

Limousine pala ang kotse na dala niya. Akala ko ay natural lang sa kotse niya ang ganitong haba.

Pinagbuksan niya ako ng pinto para makasakay ako. Pagpasok ko ay nakita ko ang isang dress na nakasabit sa isang hanger. Nasa loob pa ng dress bag ang damit kaya hindi marurumihan.

Kakasya ba sa akin ang damit na ito?

Hinawakan ko iyon saka ko nilabas sa bag. Ang balak ko lang naman ay makausap siya, hindi kailanman pumasok sa isip ko ang dumalo sa isang kasal. It's a grey satin evening dress with a high split on its side.

Naipikit ko ang mga mata ko. Gusto kong matawa nang makita ko ang kabuuan ng dress. Hindi ko kayang suutin ito. Pero kung ito talaga ang kailangan para makapasok ako sa pupuntahan niya, I'll wear it.

Nagmamadali ako sa paghubad ng mga damit ko habang nililinga ko ang paligid. Wala bang camera rito? Baka mamaya ay lumabas sa dyaryo ang hubad kong katawan. Baka gawin pa nilang inspirasyon.

Marahan kong nilapag ang thigh holster sa upuan para hindi iyon mag-ingay.

Good thing his car's so massive I can stand. Inumpisahan ko ang maingat na pagsuot ng dress. Nakakatakot na baka masira ko pa iyon. Napakanipis ng malambot na tela. Pero malamig siya sa balat kaya hindi nakakairita.

Nang matapos ko ang pagbibihis, saka ko naman inasikaso ang pagkabit ng holster sa hita ko kung saan walang slit ang dress. Nasa kanan ang hiwa ng dress kaya sa kaliwa ko iyon nilagay para hindi mapansin.

Ang buhok ko. What the heck am I doing?!

Naghanap ako ng salamin pero wala akong makita hanggang sa mapatingin ako sa harapan ko. Salamin ang nasa harapan ko kaya lumapit ako roon. Hindi naman mahaba ang buhok ko kaya hindi na ako mahihirapang ayusin iyon.

Naghanap ako sa drawer ng pwede kong magamit. Hair gel. Iyon ang ginamit ko para suklayin papunta sa likod ang maiksi kong buhok. I smiled, I look like a hostess ready to dance. But, that's fine. That will suffice.

REPLICA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon