28) Who's The Replica?

106 3 0
                                    

IGNACIO

Matapos ang ilang buwan na pagkakakulong ay nakalaya na ako. Iba rin talaga ang nagagawa ng pera, nagiging madali ang lahat. Isa sa dahilan ng mabilis na pagkalaya ko ay ang magaling na abogado.

Hindi nasayang ang binayad ko sa kaniya at dapat lang na makaalis ako sa lugar na ito. Naiinip na akong bumalik sa trabaho at sa pamamahay ko.

"Nakalaya ka na pala."

Nahinto ako sa paglalakad at akmang pagpasok ko sa sasakyan. Isang pamilyar na boses ang pumukaw sa atensyon ko.

Kumunot ang noo ko nang makita ko kung sino siya. "Rejhine?" Buong pagtataka na binigkas ko ang pangalan niya.

Ganoon pa rin ang suot niya simula nang magkita kami nang umuwi siya galing sa Tsina. Hindi pa rin nagbabago ang istilo niya.

"Bakit gulat na gulat ka? Ako nga ang dapat na magulat dahil nakalaya ka na." Ngumisi siya habang pinagmamasdan ang mga hawak kong gamit ko. "Babantayan ko pa rin ang bawat kilos mo."

Hindi ko maintindihan.

Bakit nandito siya?! Akala ko ba ay umalis na siya nang huli kaming magkita. Nagpaalam siya sa akin na babalik sa lugar ng ama niya. Pero bakit nandito siya?!

"Rejhine... bakit nandito ka pa?"

Humalukipkip siya. "Saan mo ba ako gustong magpunta, sa bahay mo?"

"Kailan ka pa bumalik?"

Kumunot ang noo niya saka siya umirap. "Hindi ako umalis. Pero balak kong bumalik sa China para kausapin si Casimir."

Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi niya. May amnesia ba siya?! Hindi kaya ay nabagok ang ulo niya?!

"Ano?"

Hindi naman siya nagsalita. Gamit niya ang motor niya na nakaparada sa hindi kalayuan. Ang mga kamay niya ay mayroong mga maitim na motorcycle protective gloves.

"Hindi ba't nagpaalam ka na sa akin na aalis ka at babalik sa ama mo?"

"What the fuck are you talking about? So, you are not my fucking father?!"

Ano raw ang sabi niya?! Naguguluhan na ako nang tuluyan. Sa palagay ko ay hindi niya maalala ang mga nangyari, parang nabagok ang ulo niya at nalimutan niya ang lahat!

"Sandali... ayos ka lang ba, Rejhine?"

"No! Fucking no! You just told me you are not my fucking father. So, sino ang ama ko?!"

May nerbyos na namuo sa dibdib ko. Iba ang dating sa akin ng pagsigaw niya. Hindi naman malakas ang sigaw niya pero nanggagalaiti siya habang nagsasalita. Kulang na lang ay madurog ang mga ngipin niya sa pagngitngitan.

"Hindi mo ba maalala?"

"Ang alin?! Ano ba ang mga pinagsasabi mo? I was adopted?! Kaya ba hindi mo ako tinuring na anak kahit kailan?! Kaya ba madali lang sa iyo na palayasin ako at parusahan?!"

Napailing ako.

We discussed this already. Nag-usap na kami ukol sa bagay na ito pero tila nalimot niya ang mga iyon at naguguluhan talaga ako. Saan ba ako nagkamali ng pagpapaliwanag sa kaniya?

"Wait!" Pinigilan niya ang braso ko nang papasok na ako sa sasakyan. "Saan ka pupunta? Sabihin mo sa akin ang totoo!"

Inalis ko ang kamay niya sa braso ko. "Ano bang problema mo? Ganiyan ba ang nangyayari kapag nanggaling ka sa ama mo?!"

"What the fuck?!" Napairap siya kaya kumunot ang noo ko.

Mukha siyang seryoso dahil namumula ang pisngi niya. Halatang hindi siya nakikipagbiruan. Kahit kailan ay hindi naman siya nakipagbiruan sa akin.

REPLICA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon