Chapter 1

71.9K 1.3K 258
                                        

Yvette's

"Ateeee, mal-late na tayo!"

Napatingin ako sa kapatid ko na si Cassia na nakabusangot habang pumapadyak ang maliit nitong paa. Maaga pa pero ayaw nito ang nahuhuli sa klase.

"Assia, it's still early pa, oh."

Lumapit naman sa amin ang kambal nitong si Carrissa habang dala-dala ang orasan namin sa kwarto at ipinakita ito kay Cassia.

Cassia Emerald at Carrissa Saphire—kambal sila, limang taong gulang, at tanging pamilya na meron ako. Patay na ang ina namin, at ang tatay naman namin ay di na mahagilap mula nang mamatay si Inay. Kaya ngayon, ako ang umako sa responsibilidad na alagaan ang kambal. Hindi ko rin alam kung buhay pa ang mga magulang ni Nanay, kasi kahit isang beses ay di ko sila nakita hanggang sa mamatay si Nanay sa panganganak sa kambal.

Hindi naman sila mahirap alagaan dahil kahit sa murang edad pa lang ay masasabi kong mature na sila mag-isip. Nasa unang baitang na sila ngayon dahil sa taglay nilang talino.

Ito ang unang araw ng pasukan nila at enrollment naman sa unibersidad na pinapasukan ko, kaya maaga akong gumising para makapagluto pa ng tanghalian nila. Sa almusal naman, sa paaralan na sila kumakain dahil libre iyon doon.

"Tinatapos ko na ayusin itong lunch box niyo," ani ko bago inilagay sa lunch bag nilang dalawa ang pananghalian nila. "Saphire, isuot mo na ang iyong sapatos."

"Okay po, Ate!" Kaagad namang umalis si Saphire at isinuot ang school shoes niya.

Habang si Cassia naman ay kanina pa tapos at kami na lang ang hinihintay.

Ala-siyete pa lang at mamaya pang alas-otso ang pasok nila, pero dahil Lunes ngayon at unang araw ng pasukan, kailangan maaga pa lang ay nakaalis na kami sa bahay.

Nang matapos na si Saphire sa pagsusuot ng sapatos, kinuha ko na ang aking bag at agad kaming lumabas ng bahay na inuupahan namin.

Maliit lang ito—isang kwarto na kasya kaming tatlo, iisa na ang kusina at sala, at sa gilid naman ang maliit na banyo.

Paglabas namin sa pasilyo ng aming lugar ay sakto namang may dumaan na jeep kaya agad ko itong pinara. Sasakay na sana kami pero sabi ng konduktor ay sa harapan na lang kami dahil puno na ang likod.

Pinauna ko namang sumakay ang kambal bago ako, at nang masigurado kong ligtas at maayos silang nakaupo ay agad kong kinuha ang aking pitaka para magbayad, dahil malapit lang naman ang paaralan ng kambal mula rito.

Napatingin ako sa aking pitaka—isang daan na lang ang laman—kaya wala sa sariling napabuntong-hininga ako.

"Bayad po, dalawa student," abot ko ng isang daan sa driver kasi nasa pinakalikod yung konduktor. Dalawa lang ang binayaran ko dahil sa iisang upuan lang naman nakaupo ang kambal.

Inabot naman iyon ng driver na ngayon ko lang napansing babae pala. Nakasuot ito ng mask at sombrero na itim.

Habang hindi pa binibigay sa akin ang sukli, inayos ko naman ang suot na uniporme ni Saphire dahil mali ang pagkabotones nito.

"Change," ani ng driver sa malamig na boses. Kinuha ko ito at nagpasalamat bago muling ibinalik ang atensyon ko sa dalawa kong kapatid.

Meron pa akong 80 pesos dahil 20 pesos lang naman ang bayad sa jeep.

"Assia, Saphire, ito, singkwenta pesos, pangmeryenda niyo mamaya." Kinuha naman iyon ni Saphire dahil siya ang katabi ko.

"What about you, Ate?" ani naman ni Cassia. Di ko alam kung saan nagmana ito at English nang English.

Queen's Archer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon