Chapter 3

40.6K 1.1K 124
                                        

"Pfft—deserved!" bigkas ni Shantelle nang makalabas na kami sa klase ni Miss Cromwell.

Napatawa si Saryia. "I was about to slap the hell out of her if Miss Cromwell wasn't there." She rolled her eyes.

"Lucky bitch," Shantelle spat.

Natawa naman ako dahil bakas pa rin sa mukha nila ang inis dahil sa nangyari kanina.

"Anyway, we'll go ahead, Yve. See you later at lunch!"

Paalam nila dahil pupunta pa sila sa detention room ng isang oras.

Every Monday, Tuesday, and Friday, 9 a.m. to 11 a.m. ang morning class namin, which is kay Miss Cromwell. Kaya 11:10 a.m. to 12:45 p.m. ang trabaho ko sa cafeteria, which gives me 15 minutes to eat my lunch with them. 1 p.m. to 3 p.m. naman ang susunod naming klase kay Miss Griffin, at 3 p.m. to 4 p.m. naman ang practice ko ng archery—pero every Monday, Wednesday, and Thursday lang ito.

Every Wednesday and Thursday naman ang dalawa ko pang subjects na kinuha. Mas marami akong time makapagtrabaho ng Wednesday at Thursday dahil isang oras lang naman ang klase namin sa umaga.

Andito na ako ngayon sa cafeteria nagtatrabaho. Actually, dito lang ako sa kitchen ng cafeteria, nag-aayos ng mga pagkain na in-order ng mga estudyante kaya hindi masyadong hassle for me. Mas mabuti na rin para iwas chismis—ayaw ko pa naman makarinig ng masasakit na salita.

"One order carbonara, please!" sigaw ng cashier sa intercom.

"Coming right up!" I replied.

Agad akong naghanda ng carbonara at inilagay ito sa plato bago ibinigay sa cashier.

After almost two hours of working there, nagpaalam na rin ako sa mga kasamahan kong nagtatrabaho doon.

Pagkalabas ko ng kitchen, nakita ko agad ang dalawa na kumakain pa rin hanggang ngayon sa may di kalayuan. Pagkarating ko sa gawi nila ay agad akong napaupo dahil sa pagod at gutom.

"Hey, kumain ka na agad at baka malate pa tayo sa susunod nating klase." Abot agad sa akin ni Saryia ng clubhouse sandwich at pasta.

"Thank you, guys." I smiled and started eating with them.

Actually, sila ang naglilibre sa akin ng lunch kapag magkasama kami. Kaya madalang lang akong hindi makapag-lunch kapag hindi kami magkasama o kaya kulang ang pera ko pambili.

Naubos ko agad ang aking kinakain kaya agad kaming tumayo para dumiretso na sa susunod naming klase ngayong araw.

Pagkarating namin sa susunod naming klase ay sakto naman ang dating ng professor. Natawa pa ako dahil halos malaglag na ang panga ni Saryia nang masilayan ito.

Well, who wouldn't? The professor is gorgeous.

"Close your mouth, Bansa. You might catch flies," natatawang bigkas ni Shantelle dito.

Napailing na lang ako at tinapik-tapik ang balikat ni Saryia.

"Good afternoon," bati ng professor.

"Good afternoon, Miss," bati naman naming lahat pabalik.

"I'm Cleofel Griffin. You address me as Prof. Griffin," pakilala nito.

"And I'm Saryia, your future wife."

Naghiyawan ang ka-blockmates namin nang sabihin ito ni Saryia. Kahit kailan talaga, napaka-bold ng bunganga ng babaeng ito.

Napairap lang si Prof. Griffin at sinimulan nang sabihin sa amin ang mga gagawin sa klase niya.

Natapos ang klase namin na todo papansin itong si Saryia kay Prof. Griffin, kaya di namin maiwasang matawa sa kanya kapag binabara siya ni Prof. Griffin. Mabuti na lang at medyo nakikisabay din si Prof.

Queen's Archer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon