Chapter 28

35.5K 1K 172
                                        


Three weeks have passed.

Everything went back to normal. Nakapag-usap na rin kami ni Miss Cromwell. Pinagsabihan lang niya ako at sinabing sa susunod, huwag daw akong magpadalos-dalos ng desisyon mag-isa. Nagpasalamat na rin ako sa kanya, pati na rin kay Prof. Griffin.

Nakalabas na rin ng ospital si Saphire, at wala akong binayaran kahit ni piso dahil sinagot lahat ito ni Miss Cromwell. Sabi ko sa kanya na babayaran ko na lang siya paunti-unti pero ang sabi niya lang ay, "It is the school who helped you with your bills, not me." Ang taray pa ng pagkakasabi niya kaya tumango na lang ako.

Today's Wednesday at katatapos lang ng P.E. Kaya heto ako ngayon, papuntang cafeteria para simulan na ang trabaho ko. Medyo maluwag na rin ang oras ko dahil wala na akong archery practice.

"Puntahan lang namin sa library si Saphire," ani ni Saryia nang maihatid na nila ako sa cafeteria.

Tumango ako saka sila hinalikan sa pisngi bago pumasok na sa loob ng cafeteria.

Homeschooled muna si Saphire ng tatlong linggo kaya sinasama ko siya dito sa school dahil walang maiiwan sa kanya sa bahay. At saka parehas din na busy ang parents nina Shantelle at Saryia kaya nagpaalam na lang ako kay Miss Cromwell kung pwedeng sa library muna tumambay si Saphire habang nagpapagaling pa.

Magaling na naman na si Saphire dahil noong makalabas siya ng ospital, isang linggo muna kaming nag-stay sa bahay ni Tita Maurice para mabantayan siya ng maigi. Medyo gumagaling na rin ang sugat sa dibdib niya.

Mabuti na lang at pumayag si Miss Cromwell, dahil hindi naman pwedeng tatlong linggo akong um-absent para lang bantayan siya.

"Mukhang magiging busy tayo ngayon. Ang daming studyante," sabi ng isa sa mga kasamahan ko sa cafeteria nang iabot ko sa kanya ang isang sandwich na order.

"Prelims na kasi, kaya todo aral na sila," sagot ko naman.

Nag-advance reading na ako kaya alam kong kakayanin ko ang prelims. Sinasadya ko talagang mag-advance reading para wala akong problema kapag may surprise quiz o examination.

"Pagkatapos ng kasiyahan, ito na, balik hell week." natawa naman siya kaya napatawa na rin ako.

Mabilis lumipas ang oras at natapos na rin ang shift ko sa cafeteria. Naglalakad na ako papunta sa usual table namin magkakaibigan. Kagaya ng dati, in-orderan din nila ako ng makakain.

"Saph, did you behave in the library?" I asked Saphire as I sat beside her. Napapagitnaan namin siya ni Saryia. Kaharap naman namin sina Charlotte at Shantelle.

Hindi na rin nagbabangayan ang dalawa simula noong maospital si Saphire. Mukhang close na nga sila ngayon.

Masaya naman siyang tumango. "Yes po, Ate. Tsaka natambay din po kami sa office ni future wife po ni Tita Sary."

Tumatambay kasi sina Saryia sa office ni Prof. Griffin kapag wala kaming klase sa kanya. Miss na miss daw kasi siya ni Saryia. Ganiyan na sa kaulol.

Halos wala na ngang makalapit na estudyante kay Prof. Griffin dahil binakuran na siya ni Saryia—at mukhang gustong-gusto naman ng professor.

Pero simula nang maging professor namin si Prof. Griffin, mas nag-aaral ng mabuti si Saryia. Gusto niya daw kasi na may maipagmalaki siya sa kanya.

Siya daw dapat ang sugar mommy at hindi si Prof. Griffin. May sinasabi pa siyang top daw dapat siya at bottom si Prof. Hindi ko na rin maintindihan kung ano ang top at bottom na 'yon.

Professor and student relationship is prohibited here, kaya determinado talaga si Saryia na makapagtapos para maligawan na niya si Prof. Griffin.

Hindi niya kasi magawang ligawan sa loob ng paaralan. Mabuti na lang at nakakapigil pa itong kaibigan namin na yakapin si Prof. Griffin kapag nasa loob kami ng school.

Queen's Archer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon