Yvette's
Kisame.
Puting kisame.
Iyan agad ang bumungad sa akin nang magising ako. Inilibot ko ang aking paningin—mukhang nasa ospital ako. May nakakabit ding dextrose sa akin.
Wait...
Hospital?!
Sinong nagdala sa akin dito?
Fuck.
Bakit nasa hospital ako? Ayaw ko dito. Mabilis kong tinanggal ang IV na nakakabit sa kamay ko, not minding the pain and the blood.
I winced in pain when my stomach started to ache. But I need to get out of here as soon as possible. Tama na 'yong pagpipigil ko noong ma-ospital si Saphire.
"Fuck!" I groaned as the pain in my stomach worsened. Pero kailangan kong makaalis dito. Iinom na lang ako ng gamot pag-uwi.
Naalarma naman ang mga nurse nang makita nila akong bumaba ng kama. Mukhang nasa emergency room pa ako.
"Miss, kumalma po kayo," ani ng isang nurse.
Kalma? Paano ako kakalma kung andito ako sa hospital? I can't even fucking stop my body from shaking.
"Tawagin niyo ang doctor!" rinig kong sigaw ng isang nurse habang dahan-dahang lumalapit sa akin.
Itinaas ko ang kamay kong dumudugo na ngayon dahil sa pagtanggal ko ng IV kanina. "Diyan ka lang! Huwag kang lumapit!" sigaw ko habang umiiyak.
"Yve!"
"Martinez!"
"Gwen!"
Napalingon ako sa pintuang kakabukas lang at agad kong nakita ang mga kaibigan ko, kasama ang tatlong professors.
But I'm panicking right now, kaya pati sila ay pinigilan kong makalapit sa akin.
"Yve... please," nakita kong umiiyak na si Saryia habang inaabot ang isang kamay niya sa akin.
Umiling-iling ako at naglakad paatras nang makita kong dahan-dahan lumalapit ang nurse na may hawak na injection.
I know what he's doing. He's going to put me to sleep.
"Argggh! Ang sakit!" I cried out as the pain in my stomach became unbearable. "It hurts."
Kahit namimilipit na ako sa sakit, umaatras pa rin ako palayo sa nurse. Alam kong nakikita nilang nanginginig ang buong katawan ko. Halos puno na rin ng dugo ang suot kong damit dahil sa kamay ko.
"Yve, calm down. We're here," pamimilit ni Shantelle habang umiiyak.
"I-I can't." I'm trying, but the scene when my mother died keeps rushing through my mind. I can't stop it.
Nang makita ko ang dalawang nurse na malapit na sa akin at wala na akong matakbuhan, hinayaan ko muna silang makalapit bago ako biglang umupo para makaiwas.
Nagtagumpay naman ako kaya agad akong tumayo at umatras ulit nang lumapit na naman sila.
"Please, let me go home," pagmamakaawa ko.
Napansin ko ring may dumating na dalawang doctor. Naagaw na rin namin ang atensyon ng ibang nurse at pasyente sa loob.
"Yve, no..." pagsusumamo ulit ni Saryia. "This is for your own good," aniya habang dahan-dahan ding lumalapit pero pinigilan ko siya.
"I want to go ho– Arghhh!" Hindi ko natuloy ang sasabihin dahil sa biglang pagsakit ulit ng tiyan ko.
"Yveee!" rinig kong sigaw ni Shantelle at Ruelle.
BINABASA MO ANG
Queen's Archer
RomanceYvette Gwen Martinez, An archery scholar at Cromwell University-and the sole reason the next reigning queen extended her stay in the Philippines. Two people met in the most clichéd way, yet from that moment, love slowly began to bloom, changing both...
