Chapter 33

34.7K 1K 110
                                        

Another week has passed and I'm still avoiding Miss Cromwell. After our talk last week, hindi ko na ulit siya nakita dahil may seminar daw ito sa Cebu kasama si Prof Griffin at Miss Kim.

Mukhang mag-bestfriends ata ang tatlo dahil simula nang bumalik sa pagtuturo dito si Miss Kim, tatlo na silang madalas naming nakikitang kumakain minsan sa cafeteria. Actually may cafeteria rin ng mga professors dito pero 'di ko alam kung bakit sa common cafeteria sila kumakain— which is cafeteria ng mga studyante.

Lunes ngayon at katatapos lang ng quiz namin sa nag-substitute muna kay Miss Cromwell. Medyo madali lang naman ang binigay nitong quiz dahil halos na-perfect na nila Saryia at Shantelle.

Like what I said before, gumagaling na sa klase si Saryia. Pati na rin si Shantelle dahil may tutor na ito, which is Charlotte. Kung dati nangongopya sila, ngayon ay confident na silang magsagot.

"Yve! Heading to the cafeteria na?" salubong sa akin ni Ruelle. Hindi kami magkaklase dahil iba ang course nito. Tsaka dalawang subject lang ata ang kinuha niya dahil busy rin ito sa business niya. Kaya wala siya kapag Tuesday, Wednesday, at Friday, dahil nasa trabaho ito.

Nagkikita lang talaga kami kapag lunch break, at minsan kapag gusto nilang gumala after uwian.

"Katatapos lang ng klase mo?" tanong ko, at tumango naman siya.

"Papunta na rin ako sa cafeteria. Where's Shantelle, Saryia, and Charlotte?"

"Pinuntahan si Charlotte sa office ni Miss Cromwell. Sa cafeteria ka na maghintay, sabay na tayo." Sagot ko.

"Oh, I see, I see," napatango naman siya.

Nagsimula na kaming maglakad papuntang cafeteria. Pagkarating namin doon, hinatid ko siya sa usual naming upuan at nagpaalam.

Hindi naman sobrang busy ngayon sa cafeteria, which is a good thing kasi sumasakit na naman ang tiyan ko. Last week pa ito. Hindi ko nga alam kung natatae ba ako o sumasakit lang puson ko, pero next month pa naman ang menstruation ko kaya imposibleng dysmenorrhea.

Hinahayaan ko na lang dahil nawawala rin naman siya kapag umiinom ako ng painkiller.

"Oh? Putla mo na naman," salubong agad sa akin ng kasamahan ko dito sa cafeteria.

"Nakalimutan ko lang mag-lipstick," I lied. Kahit hindi naman talaga ako nagli-lipstick kapag pumapasok.

Tumango lang siya at nagpatuloy na rin sa trabaho niya kaya nagsimula na rin ako sa paghahanda ng mga orders.

"Yve, dalawang hotdog sandwich," sigaw ni Maria mula sa counter. Naghanda naman agad ako ng dalawang hotdog sandwich.

Pagkatapos, inabot ko na ito kay Juluis para dalhin sa counter.

"Tatlong macaroni salad, Yve," sigaw ulit ni Maria.

Ilang oras pa, natapos rin ang shift ko kaya nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko. Paglabas ko sa likod ng cafeteria, nabigla ako nang makita ko doon si Andrew. Huling kita ko sa kaniya ay noong tournament pa. Magkaiba kasi kami ng course at medyo malayo building nila sa annex.

"Hey, Andrew, kamusta?" bati ko nang lumapit siya sa akin.

Parang hindi ito mapakali. "Are you okay?" tanong ko.

Tumango naman siya. "I-I'm okay," sagot nito. "C-Can I talk to you?"

"Can we talk later? 15 mins na lang kasi next subject ko na, kailangan ko pa kumain," wika ko.

Napangiti naman siya. "Sure, sure. Hintayin kita mamaya."

"Sige, bye!" paalam ko.

"Bye, Yve!"

Queen's Archer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon